Nakatayo ngayon si Justin sa harap ng walk-in closet niya habang pumipili ng susuotin niyang coat. May family gathering daw kasi sila ngayon. Ayoko sana sumama dahil kasal lang naman kami sa papel, kaso sabi niya kailangan daw. “Required ba talaga sumama?” Nakasimangot na saad ko.“Yes, you’re still my wife even if its on paper,” saad niya habang sinusuot ang beige suit na napili niya.Napanguso ako at nagkibit-balikat, “Ang dami niyo naman kasing family gatherings. Weekly ba naman, ilan ba kayong magkakamag-anak ng makapag-ready ako lagi.” sarkastikong saad ko.“Its my grandmother’s birthday. Mas mahalaga ang event na ito kaysa sa iba mong napuntahan. And you don’t have a choice, remember our contract?” Paalala niya.“Sabi ko nga,” napapailing na saad ko habang sinusuklay ang buhok ko.Tamad na tamad talaga akong pumunta ngayong araw. Hays! Isa pa, hindi pa nga malinaw sa akin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya at sa sitwasyon namin, eh.–Isang oras din ang tinagal ng biyahe nam
Huling Na-update : 2026-06-10 Magbasa pa