Hindi na siya nilingon ng babae. Pumasok si Trina sa loob, pinindot ang ground floor, at hinayaan na ang bakal na pinto ng elevator ang maging tuluyang harang sa pagitan nilang dalawa. Nang tuluyang sumara ang pinto, napasandal si Trina sa pader, napahawak sa kaniyang dibdib habang nag-uunahan tumulo ang kanyang mga luha. Napapikit siya ng mariin. Ang sakit, ang bigat, pero may bahagi sa kaniya ang nakaramdam ng kaunting ginhawa. Sa wakas, natapos na ang pagpapanggap niya bilang si Vivian Santos at Katrina Aravazon Vance. Natapos na rin ang pagiging Agent Trina niya.Isang linggo ang mabilis na lumipas.Their new apartment was small compared to the vast, luxurious mansion they were used to, but here, Trina’s peace of mind was slowly returning. Araw-araw, pagkagising niya sa umaga, tinitiyak niyang maayos ang almusal nina Nicole at Nathan bago pumasok sa paaralan. Si Manang Cora naman ang katulong niya sa pag-aayos ng mga gamit at paglilinis ng bahay."Mommy, may nagpadala po ng bulak
Read more