THIRD PERSON POVWalang idea ang ibang doctor maski ibang nurse na nakakatrabaho si Rina kung bakit wala ito sa mood. Panay naman ngiti at sabi si Mira sa mga ito na huwag na lang pansinin ang kaibigan dahil kulang sa tulog at maraming iniisip, pero ang totoo, matapos iyong engkwentro nila sa bar, doon na nagsimula ang lahat.Rina started avoiding Tanjiru. Kahit pa naghihintay ito sa labas para makipag-usap, Hindi man lang siya tinatapunan ng tingin ng babae. Para kay Rina, invisible lang ito sa kanya, walang halaga at bahagi na lang ng nakaraan niya.She started entertaining Yaji, iyong nakilala niyang lalaki sa bar since magaan lang naman ito kausap at palagi siyang napapatawa.Ngayon, wala na naman siya sa mood dahil napagalaman niyang papasok bilang doctor si Tan sa ospital kasama si Rain as general surgeon."Grabe, nakakagulat, 'no? Dati palang doctor si Tan tapos biglang change career sa sundalo," kwento ni Mira kahit na alam niyang wala sa mood ang kaibigan. "Come on, Rina, kah
Read more