"Nandito na ba lahat?" malamig na tanong ni Tanjiru nang makahabol sa mga kasama niya. "Iwan niyo lahat mga maleta rito, kami na bahala maghatid sa mga gamit niyo sa base. You can take your meal inside the hub," pahayag niya, tinutukoy iyong pinanggalingan nila.He looked cold, devoid of any emotion. Nanibago ako bigla sa kanya, sa paraan ng pananalita niya, everything about him changed.Hindi ko magawang ilihis ang tingin ko sa kanya. Sobra akong naninibago sa kanya.Si Tanjiru pa ba itong kaharap ko?Tumingin siya sa akin, pero agad din binawi. What was that? Iniiwasan ba niya ako? Hindi ba siya masaya na makita ako?"Tan—""Kung may kailangan kayo, magsabi lang kayo sa amin," habol nito bago tumalikod sa amin. "Sa kabila lang kami."Pag-alis nila, biglang nanikip ang dibdib ko. Nakasunod lang ako ng tingin sa likod niya, nagdadalawang isip kung susundan ko ba siya o magpapanggap na hindi ko siya kilala."Dito po tayo," wika ng lalaki kasama nila Tanjiru. Sumunod naman ang iba, pero
Read more