Unang naisip kong mananalo ay si Ark, pero dahil malaki ang galit ko sa kanya, “si Lee,” ang isinagot ko.Mukhang narinig ni Ark ang sagot ko at tumingin ito sa gawi namin, natigil sandali sa pagtira. Mula sa pwesto namin, kitang-kita ko ang paghigpit ng paghahawak niya sa cue stick. Naglabasan ang mga ugat niya sa kamay, at napasinghap ang mga manonood nang tumalsik ang cue balls sa labas ng pool table.At this point, parang gusto ko na lang magpatuloy sa trabaho dahil sa totoo lang, natetense na ako sa laro nila at baka ako pa ang pagmulan ng away.“Invalid,” si Lee mismo ang nagsabi no’n. “Tumira ka ulit.”Tumayo ng maayos si Ark habang nakatingin sa akin. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko nang lumapit ito sa akin. Anong balak niyang gawin?“Good luck, best.” Napa-sign ng cross si Rina, paulit-ulit, na para bang ikakamatay ko ang paglapit ni Ark sa akin.All eyes were on us. May ilan na nagsimulang magbulungan, may ilan na puno ng kuryusidad ang mga mata kasi bakit naman ako lalapit
Read more