“Kuya… marumi na ang mukha mo. Punasan kita?” wika ng bata kay Warren.Mahina ngunit napakalambing ng boses ng batang babae habang iniiaabot nito ang maliit na panyo sa kanya. Sa buong eskwelahang iyon, siya lang ang batang hindi umiwas kay Warren. Hindi siya tinawag na bastardo. Hindi siya tiningnan ng may paghamak. Hindi siya itinulak palayo gaya ng ginagawa ng iba sa kanya. At sa unang pagkakataon matapos siyang pagtulungan at apihin ng mga kaklase niya, may taong lumapit sa kanya. May taong nagmalasakit.Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Warren ay may init na biglang pumasok sa malamig niyang mundo.Ngunit dahil halos mawalan na siya noon ng malay, malabo lamang ang mukha ng batang babae na natandaan niya. Pagkagising niya ay nasa school clinic na siya at ang tanging naiwan sa alaala niya ay ang panyo nitong may embroidered na rainbow bear.Mula noon, hindi na nawala sa isip ni Warren ang batang babaeng tumulong sa kanya.Hanggang sa isang araw, nakita niya kay Vanessa ang eksaktong
Read more