Habang tinititigan ko ang aking plato, naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Nathan sa aking kamay na nakapatong sa mesa. Ang hawak niya ay banayad ngunit sapat upang ibalik ako sa kasalukuyan, palayo sa magulong takbo ng aking isip. "Hey, don't overthink it, Anya," bulong niya, ang boses ay puno ng katiyakan. "Trust me on this. Lucas needs a wake-up call, and this is the only way to shake him.” Pilit akong ngumiti at tumango. Tama siya. Narito na ako, pinili ko ang landas na ito, kaya wala nang silbi ang pag-aalinlangan. Ipinagpatuloy ko ang pagsubo ng masarap na pasta, bagamat sa bawat pagnguya ko ay tila nawawalan na ng lasa ang pagkain dahil sa bigat ng aking kalooban. Kahit pa natutuwa ako nung una, medyo nag-aalinlangan ako kasi paano kung sumuko siya dahil dito? Ang marangyang paligid ng restaurant, ang kumukititap na liwanag ng kandila, at ang mahinang tunog ng violin ay tila nagiging isang malabong background na lamang sa aking mga mata. Habang tahimik kaming naghahati s
閱讀更多