Sa bawat pagbaba ng aking balikat, mas lalong bumibigat ang bawat hikbi na kumakawala sa aking bibig. Ang malamig na sahig ng kwarto ni Nathan ay tila nakikiramay sa lamig na lumalapnos sa aking puso. Yakap-yakap ko ang aking sariling mga tuhod, pilit na binubuo ang sarili kong nawasak sa bawat salita, sa bawat halik, at sa bawat bigat ng katotohanang iniwan sa akin ni Lucas. Akala ko, kapag umalis na siya, kahit papaano ay makakahinga ako nang maluwag. Akala ko, kapag naisara na ang pintong iyon, matatapos na rin ang tindi ng bagyo sa loob ng dibdib ko. Ngunit nagkamali ako. Ang katahimikan na iniwan niya ay mas lalong nagpapalutang sa bawat ala-ala ng kaniyang pagsusumamo, sa init ng kaniyang mga labi, at sa nakakapanghina na katotohanang ikakasal pa rin siya kay Yanna. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon, wasak, luhaan, at walang kalaban-laban sa sarili kong emosyon. Parang gripo ang aking mga mata na ayaw huminto sa pag-agos, at ang bawat hiningang aking kinukuha a
閱讀更多