Parang gusto kong magpalamon sa sahig ng Velvetry Bar, pramis. O kaya naman, sana biglang may mag-trending na UFO sighting sa labas para lumingon siya at makatakbo ako palayo. Pero hindi, eh. Nanatili siyang nakatingin sa akin, at yung mga mata niya! Juice ko, para akong ini-scan ng pinakamahal na security system sa mundo. Mula sa dulo ng heels ko hanggang sa hibla ng buhok ko, ramdam ko yung init ng titig niya."S-Sir Lucas..." nauutal kong sabi habang pilit na hinihila pababa ang dress ko na sa totoo lang ay wala na talagang ihahaba pa. Hindi man lang siya ngumiti. Sa halip, tumayo siya. Ang tangkad niya talaga, Lord. Yung tipong kailangan kong tingalain para lang makita ang galit sa mga mata niya. Pero sa totoo lang, habang galit siya, lalo siyang sumasarap—este, gumagwapo. Yung ugat sa leeg niya, parang ang sarap haplusin para kumalma siya. Anya, ayos ka lang?! Galit na yung tao, lumalandi pa rin ang utak mo!"I asked you a question, Anya," mariin niyang sabi. Humakbang siya pala
閱讀更多