تسجيل الدخولNatapos ko rin ang pagtutupi ng mga t-shirt ni Sir Lucas. Habang nilalagay ko ang huling batch ng mga boxers niya sa drawer nya, pakiramdam ko ako ay nasa alapaap.Lumabas na ako pagkatapos magtiklop at saktong paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Sir Lucas na papunta na rin dito. Suot niya ang isang charcoal grey na polo shirt na hapit na hapit sa mga muscle niya. Lord, 'yung dibdib niya, parang matigas pa sa paninindigan ko na hindi ako marupok! Pero sorry na lang sa paninindigan ko, dahil nag-collapse na ito sa unang hakbang pa lang niya."Done?" tanong niya nang hindi tumitingin, busy sa pag-aayos ng kanyang relo."Opo, Sir. Organized to go na po ang closet niyo," sagot ko habang nakasunod sa kanya pababa. "Good. Let's go.”Pagdating sa labas, nandoon na ang itim na SUV na sobrang kintab, baka makita ko ang sarili kong mukha sa pinto at magulat ako sa sarili kong ganda. Pinagbuksan ako ni Sir Lucas ng pinto sa backseat kaya kinilig nanaman ang Lola niyo.Naupo siya sa tabi ko at
Pagpasok namin sa study room, ramdam ko ang titig ni Manang Ruchel mula sa dulo ng hallway. Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang uod na ako ngayon na dinidisect sa science lab. Pero sorry, Manang! Ang grasya na ang lumapit, bawal tumanggi dahil masama ang tumatangi sa biyaya lalo na kung ang biyaya ay galing kay crush!"Anya, sit down," utos ni Sir Lucas habang tinuturo ang upuan sa harap ng table niya.Umupo naman ako, pero siyempre, pa-demure muna. 'Yung tipong Maria Clara na may konting landi. "Ano po ba ang eksaktong gagawin ko bilang personal maid niyo, Sir? Maglilinis po ba ako ng mga trophy niyo o kailangan ko kayong payungan kahit nasa loob ng bahay?"Ngumiti siya nang tipid, 'yung ngiting nakakabutas ng puso. "You'll be in charge of everything that concerns me. My coffee in the morning, my meals, my clothes for the day... and you'll be the only one allowed to enter my room to clean it. I don't like other people touching my things."Holy mother of abs! Ang ibig sabihin b
Dahan-dahan akong pumasok sa gate ng mansyon matapos ang day-off ko, parang magnanakaw na umiiwas sa laser lights dahil late ako. Bitbit ko pa ang coat ni Sir Lucas, isang sagradong relikya na balak ko sanang itabi sa ilalim ng unan ko para managinip ako ng dolyar at abs bago ko isauli kay Sir Lucas. Lord, amoy langit pa rin talaga itong tela na 'to. Kung pwede lang itong gawing pabango, baka nag-spray na ako sa buong katawan ko para forever na akong amoy Villamor.Pero ang tadhana nga naman, mahilig mangputol ng pantasya."Anya? Anong oras na? Bakit late ka at bakit dala-dala mo 'yan?"Halos tumalon ang puso ko palabas ng ribcage ko nang makita ko si Manang Ruchel sa may kusina, nakapamaywang at ang talas ng tingin sa hawak kong coat. Agad kong itinago ang coat sa likuran ko, pero huli na ang lahat. Mas matalas pa sa kutsilyo ang mata ni Manang."Ah, eh... Manang! Hindi pa po kayo natutulog? Grabe, ang blooming niyo po!" pilit na biro ko, pero hindi man lang kumurap ang matanda."An
Hindi ko alam kung paano ko natapos ang shift ko na mukhang isang penguin na nakasuot ng pang-malakasang coat. Isipin niyo, naka-high heels ako, tapos yung coat ni Sir Lucas ay hanggang tuhod ko na halos. Bawat lakad ko, ramdam ko yung bigat ng mamahaling tela at yung amoy niya na parang nanunuot sa bawat butas ng balat ko. Pinag-titinginan din ako ng mga tao sa bar dahil sa coat na nakabalot sa akin.Lord, ganito ba ang feeling ng mayaman? Amoy tagumpay at amoy... Lucas Villamor. "Anya, anong ganap? Bakit mukha kang kargador ng mamahaling suit?" bulong sa akin ni Shaina habang nag-aabot ako ng tray sa bar counter."Shh! Huwag kang maingay, teh. Prescription ito ng doktor para sa lumalaki kong puso," biro ko, kahit na ang totoo ay kabadong-kabado ako. Malapit nang matapos ang shift ko.Inaasahan ko talagang susugod ang floor manager namin at pagsasabihan ako dahil sa labag sa unipormeng pormahan ko. Pero laking gulat ko nang dumaan ang manager at ngumiti lang sa akin. "Keep it up, A
Parang gusto kong magpalamon sa sahig ng Velvetry Bar, pramis. O kaya naman, sana biglang may mag-trending na UFO sighting sa labas para lumingon siya at makatakbo ako palayo. Pero hindi, eh. Nanatili siyang nakatingin sa akin, at yung mga mata niya! Juice ko, para akong ini-scan ng pinakamahal na security system sa mundo. Mula sa dulo ng heels ko hanggang sa hibla ng buhok ko, ramdam ko yung init ng titig niya."S-Sir Lucas..." nauutal kong sabi habang pilit na hinihila pababa ang dress ko na sa totoo lang ay wala na talagang ihahaba pa. Hindi man lang siya ngumiti. Sa halip, tumayo siya. Ang tangkad niya talaga, Lord. Yung tipong kailangan kong tingalain para lang makita ang galit sa mga mata niya. Pero sa totoo lang, habang galit siya, lalo siyang sumasarap—este, gumagwapo. Yung ugat sa leeg niya, parang ang sarap haplusin para kumalma siya. Anya, ayos ka lang?! Galit na yung tao, lumalandi pa rin ang utak mo!"I asked you a question, Anya," mariin niyang sabi. Humakbang siya pala
Dumating na ang araw ng Sabado, ang araw na itinakda ng tadhana para sa pagtatrabaho ko sa bar.Nagising ako nang mas maaga sa tilaok ng manok. Sakto namang paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Sir Lucas na pababa ng hagdan, bitbit ang kanyang briefcase at suot ang isang charcoal grey na suit na akala mo ay tinahi mismo sa katawan niya ng mga anghel. Lord, patawad, pero ang aga-aga, ang sarap nang magkasala. Yung bango niya, humahabol sa akin kahit tatlong metro pa ang layo niya."Anya, you're up early," bati niya habang inaayos ang cufflinks niya. "I'm heading out. I have some business to settle in the city tonight. I won't be back until very late or tomorrow morning.""Ah, sige po, Sir! Ingat po sa biyahe. Huwag po kayong magpapalipas ng gutom, baka mangayayat kayo," biro ko na may kasamang malanding kaway.Natawa siya nang mahina, yung tawang nagpapakita ng ngipin niyang pamatay. "Don't overwork yourself.""Opo, Sir! Ako pa ba?!" sagot ko habang sa loob-loob ko ay sumisigaw na dahil







