Matapos ang gabi na iyon na nauwi sa mahaba-habang batian at lambingan, opisyal na akong naging permanenteng display sa kwarto ni Lucas. Akalain mo ’yun? Dati, pangarap ko lang na makapasok dito para magpunas ng alikabok, pero ngayon, personal maid pa rin naman ang title ko sa payroll, pero sa puso niya, alam niyo na ang sagot. "Anya, my coffee," tawag ni Lucas habang nakaupo siya sa harap ng kanyang laptop. "Coming, Sir!" Magiliw kong sigaw. Inilapag ko ang tasa sa table niya. Hindi ko napigilang mapatitig sa likod ng leeg niya. Alam niyo yung feeling na gusto mong kagatin yung balikat niya kasi masyadong malapad at mukhang amoy mamahaling sabon? Lord, pigilan Niyo ako, baka imbes na kape ang maibigay ko, maging breakfast, lunch, at dinner ang bagsak ko rito. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. May mata ba siya sa likod? "Wala! Iniisip ko lang kung kailangan ba ng asukal niyan, o sapat na yung tamis ng ngiti ko para maging perfect a
閱讀更多