Humarap ako sa salamin at nag-practice ng aking smile. Kahit kinakabahan, ramdam ko pa rin ang kilig mula sa halik ni Lucas sa noo ko kanina. Grabe, feeling ko may invisible crown ako ngayon. Lumabas ako ng banyo at nakita si Lucas na nakatayo malapit sa bintana, tinitingnan ang pagdating ng mga sasakyan sa ibaba. Lumingon siya sa akin, at sandaling natigilan. Ang seryosong mukha niya ay napalitan ng isang mapaglarong ngiti. “You look perfect, Anya,” sabi niya, ang boses niya ay tila musika sa pandinig ko. Jusko, Lucas. ‘Wag kang ganyan, baka sa halip na sa gate ako pumunta, sa bisig mo ako bumagsak. “Salamat, Sir. Handa na po akong maglingkod,” sabi ko sa pormal na tono, pero sinabayan ko ng isang kindat. Natawa siya nang mahina. “Okay, listen. Mom will be in the main entrance in less than five minutes. The staff is assembling at the front entrance to greet her. You need to be there. Kung tatanungin ka kung saan ka galing, just tell them that I sent you to look for something impo
閱讀更多