Pumasok kami sa elevator ni Nathan na tila ba may sarili kaming mga mundo. Habang bumababa ang elevator, hindi ko mapigilang mapatingin sa repleksyon namin sa makintab na dingding. Katabi ko ngayon ang kapatid ng pangarap ng buhay ko. Kung si Lucas ay ang tipong seryoso, misteryoso, at may aura ng isang hari na handang manakop ng bansa, si Nathan naman ay may aura ng isang makulit na playboy, yung tipong papangitiin ka muna bago ka asarin nang tuluyan.Lord, ano ba ang ipinaglihi ng nanay ng mga Villamor na ito? Isang truck ng karangyaan at perpektong genetics? Hustisya naman para sa aming mga normal na mortal na ang tanging puhunan sa buhay ay kapal ng mukha at pananalig sa liptint."You're staring, Anya," biglang basag ni Nathan sa katahimikan habang nakangisi pa rin, hindi man lang tumitingin sa akin. "I know I'm good-looking, but my brother might kill me if he finds out you're checking me out.""Excuse me, Sir Nathan, hindi kita tinitingnan," mabilis kong pagtanggi sabay irap, kah
Read more