Nang makasakay kami sa kaniyang mamahaling sasakyan, halos mapuno ang backseat ng mga paper bags mula sa grocery. Napatingin ako sa labas ng bintana habang unti-unting lumulubog ang araw, nagbibigay ng magandang kulay kahel sa kalangitan ng siyudad. Pero kahit gaano kaganda ang sunset, mas maganda pa rin talaga ang tanawin sa kanan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang hinahaplos ang tela ng aking seatbelt. Kung pwede lang talagang mag-transform bilang bagay na nakayakap sa kaniya buong biyahe, ginawa ko na. "What are you smiling about, Anya?" tanong niya, bahagyang sumusulyap sa akin habang pinatatakbo ang sasakyan sa pamilyar na daan patungo sa kaniyang penthouse. "Wala lang. Iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte ngayon. Isipin mo, ang isang simpleng tulad ko, may pa-bilyonaryong personal driver na, personal chef pa mamaya. Baka sa susunod, personal bodyguard na rin kita na handang humarang sa mga ligaw na bala para sa akin," biro ko sabay kindat. Natawa siya nang mahina, a
Read more