"Siyempre, kay Sir Lucas po ako," mabilis at walang kagat-labing sagot ko. Halos hindi ko na pinatapos ang huling salita ni Nathan dahil baka sa isang segundong pagkaantala ay tuluyan nang mag-collapse ang career ko bilang personal maid, at bilang lihim na reyna ng buhay ni Lucas. Ni hindi ako kumurap habang sinasabi 'yon. Bukod sa personal maid niya ako sa papel, personal na pag-aari rin naman niya ang puso, kaluluwa, at pati na rin ang mga parte ng katawan ko. Napanganga siya sa bilis ng sagot ko. Sorry, Nathan, guwapo ka sana, mukha kang K-pop idol na bagong gising, pero ang puso ko ay taken na at si Lucas ang may-ari ng lifetime lease. Gwapo ka pero mas gwapo si Lucas. Walang talab sa akin yang landi at kagwapuhan mo dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kapatid mo. Sorry, brother-in-law lang ang tingin ko sa'yo. "Personal maid po ako ni Sir Lucas, kaya sa kanya po ang katapatan ko. Kahit anong utos niya, kahit abutin pa kami ng madaling araw sa trabaho, 'yun po ang uuna
閱讀更多