Bitbit ang basahan at ang natitira kong katinuan, dahan-dahan akong lumabas ng silid ni Lucas. Muntik pa akong matisod sa sarili kong mga paa dahil lumulutang pa rin ang utak ko sa ulap. Lord, paki-rewind nga po ’yung eksena kanina! ’Yung haplos niya sa pisngi ko, ’yung amoy niyang nakalalasing, at ’yung boses niyang parang marangyang tsokolate na natutunaw... Haaay, Lucas Villamor, anakan mo na lang kaya ako ng isang dosena? Handa akong maging full-time yaya at asawa sa gabi! “Huy, Anya! Para kang timang diyan na nakangiti mag-isa,” salubong sa akin ni Sabel pagkababa ko sa engrandeng kusina. Nakasuot na siya ng apron at kasalukuyang naghihiwa ng mga rekado. “Naku, Sabel, huwag mo akong kausapin. Baka mabasag ang mahiwagang bula ng kaligayahan ko,” sagot ko habang humahawak sa pisngi kong hinawakan ni Lucas kanina. Pakiramdam ko nga, bawal ko na ’tong sabunin habangbuhay para hindi maalis ang divine touch ng aking nag-iisang baby. “Ewan ko sayo, Anya. Mag-asikaso na tayo rito d
閱讀更多