Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na ang buong diwa ko. Ang totoo niyan, halos hindi ako nakatulog kagabi dahil ang utak ko, nag-marathon ng mga senaryong pang-adults only. Habang nakahiga sa kama, na-visualize ko na kung paano ko gagawing entablado ng aming pag-iibigan ang bawat sulok ng kwarto ni Lucas dito sa Tagaytay. Kaya naman, pagpatak pa lang ng alas-siete ng umaga, bitbit ko na ang aking mahiwagang walis, basahan, at sandamakmak na cleaning supplies. Heto na ang dakilang cleaner ng puso at kwarto mo, baby! Babawi ako ngayon kasi hindi man lang kami nakapagbebe time pagtapos ng dinner. Naglakad ako sa hallway patungo sa kwarto niya na may kasama pang kembot. Iniisip ko pa lang na baka maabutan ko siyang natutulog pa, yung walang damit pantaas, tapos bahagyang nakababa ang kumot para makita ko ang perpekto niyang v-line, ay nag-iinit na agad ang pisngi ko. Juice ko, Lucas, kung ganyan ang sasalubong sa akin, ako na mismo ang magiging unan mo habang-buhay! Huminto ako sa ta
Read more