로그인Therese Lopez POV Ang bawat segundo ay tila bumabagal habang nakatitig ako sa apat na armadong lalaki sa harap namin. Amoy ng pulbura, kalawang, at basang semento ang humalo sa hangin. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko, pero pinilit kong huwag bumagsak. Kakapit ako kay Leandro. Hanggat humihinga siya, lalaban ako. "Leandro, I'm counting to three," malamig na utos ni Alicia, ang mukha niya ay walang kahit na anong emosyon sa ilalim ng malamlam na liwanag. "Ibigay mo sa akin ang hard drive na iyan kung gusto niyo pang makita ang pagsikat ng araw bukas." "One." Sa ilalim ng lamesa at sa likod ng malaki niyang katawan, dahan-dahang kinuha ni Leandro ang kamay ko. Naramdaman ko ang malamig at maliit na metal ng hard drive na idinikit niya sa palad ko. Isinara niya ang mga daliri ko roon habang pinipisil ito nang mahigpit. Tumingin siya sa akin nang bahagya, sapat lang para makita ko ang pahiwatig sa kanyang mga mata. *The back exit.* Naalala ko ang dinaanan namin kanina—may ma
Therese Lopez POV Alas-onse na ng gabi nang marating namin ang liblib na probinsya kung nasaan ang lokasyon ni Efren. Sobrang lakas na ng ulan, at ang tanging tumatanglaw sa daan ay ang headlights ng SUV ni Leandro. Pumasok kami sa isang madilim at masukal na eskinita na napapaligiran ng mga matatayog na talahib. Sa dulo niyon, natatanaw ang isang abandonadong bodega ng bigas—luma, kinakalawang, at mukhang multo sa gitna ng gabi. "Therese, stay inside the car," seryosong utos ni Leandro habang dahan-dahang itinigil ang sasakyan sa tapat ng mismong pinto ng bodega. "I'll check the perimeter muna." "No, Leandro. Sabi ko sa'yo sasama ako," pagmamatigas ko, kahit ang totoo ay nanginginig ang buong katawan ko sa takot. "We agreed on this, remember? Walang hihiwalay." Tinitigan niya ako nang mariin, may halo ng pag-aalala at frustation sa kanyang mga mata, pero sa huli ay napabuntong-hininga siya. Kinuha niya ang isang flashlight sa compartment at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. "
Therese Lopez POV Alas-diyes ng gabi. Ang penthouse na dating simbolo ng karangyaan at kapangyarihan ni Leandro ay nababalot ngayon ng nakabibinging katahimikan. Bukas ang lahat ng ilaw, pero pakiramdam ko ay napakadilim pa rin ng paligid. Totoo nga ang banta ni Alicia. Nitong hapon lang, opisyal nang inanunsyo na pansamantalang pini-freeze ng gobyerno ang mga bank accounts at ari-arian ng Sandoval Holdings para sa imbestigasyon ng plunder at money laundering. Kasabay nito, ang pangalan ko ang laman ng bawat tsismis sa telebisyon bilang ang "dummy accomplice" ng pamilya Sandoval. "Therese, you need to eat. Kanina ka pa walang laman." Inilapag ni Leandro ang isang mangkok ng mainit na sopas sa maliit na lamesa sa harap ko. Inalis niya ang kanyang necktie, nakabukas ang unang tatlong butones ng polo niya, at halatang-halata ang bagsik ng pagod sa kanyang mukha. Pero sa kabila ng lahat, ang paraan ng pag-aalaga niya sa akin... it was so gentle, so contrasting sa magulong mundong laba
Therese Lopez POV Para akong binuhusan ng kumukulong tubig na biglang naging yelo. Ang buong grand ballroom na kanina lang ay tahimik dahil sa deklarasyon ni Leandro ay nabalot ng hysterical na bulungan at sunud-sunod na pagpindot ng mga camera shutter. Accomplice. Plunder. Kulungan. Umuulit-ulit ang mga salitang iyon sa utak ko habang nakatitig ako sa brown envelope na nakalapag sa harap namin. Naalala ko... nung nakaraang taon. Noong mga panahong bago pa lang ako bilang assistant ni Leandro at bago pa naging ganito kagulo ang set-up namin. Ang tatay niya—si Don Leonardo—pumasok sa opisina ko habang nasa business trip si Leandro sa New York. “Pirmahan mo ito, hija. Standard corporate operational clearance lang ito. Kumpidensyal kaya huwag mo na munang istorbohin si Leandro sa New York.” Naniwala ako. Dahil ama siya ng boss ko. Dahil bago pa lang ako at wala pa akong alam sa madidilim na pasikot-sikot ng pamilya nila. At ngayon... ginamit nila iyon para maging bitag sa akin. "Th
Therese Lopez POV Ang ingay. Sobrang ingay. Kahit sarado ang pinto ng holding room dito sa grand ballroom ng isang mamahaling hotel sa Makati, rinig na rinig ko pa rin ang ugong ng mga boses sa labas. Ang dambuhalang hurnon ng mga media reporters, ang mga click ng camera na sinusubukan ang flash, at ang mabigat na presensya ng mga taong naghihintay na lapastanganin ang buhay namin para sa bawat clickbait headline. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakapatong sa kandungan ko. Naka-simpleng white corporate dress ako, banayad lang ang makeup, pero pakiramdam ko ay para akong isang kriminal na nakasalang sa firing squad. "Therese." Naramdaman ko ang init ng malaking palad ni Leandro na bumalot sa nanginginig kong mga daliri. Tumingala ako sa kanya. He looked incredibly sharp in his charcoal gray suit, walang kahit na anong bakas ng kaba sa mukha niya. He was the picture of absolute control. "Hey. Look at me," dahan-dahan niyang inangat ang panga ko gamit ang daliri niya. "If you t
Therese Lopez POVAlas-siyete pa lang ng umaga, pero parang gumuho na ang buong mundo sa loob ng penthouse.Hindi tumitigil sa pag-vibrate ang phone ko. Sabog ang notifications ko sa Facebook, Instagram, at TikTok. Kahit anong refresh ko, iisang headline ang lumalabas sa mga showbiz at business news pages.“Sandoval-Monteverde Wedding, Cancelled! Billionaire Leandro Sandoval, Iniwan ang Fiancée Para sa Assistant na may Seryosong Kondisyon?”Ang mas malala, trending ang isang leaked medical abstract. Ang pangalan ko, ang diagnosis sa akin ni Dr. Santos at ang Compulsive Sexual Behavior Disorder (CSBD) ay lantad na lantad sa publiko. Ang mga comments? Puno ng pandidiras, pang-uusig, at pambabastos. Ginawa nilang katatawanan at pulutan ang sakit ko."Therese, turn it off. Pakiusap, ibaba mo muna 'yan."Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko kay Leandro. Nakatayo siya sa tabi ng kitchen island, hawak ang isang tasa ng kape na parang lumamig na. Ang mukha niya ay seryoso, madilim, at bakas







