Maagang gumising si Gabriela kinabukasan. Hindi dahil sanay siyang gumising nang maaga kundi dahil may misyon siya. Ngayong may sakit si Rhys, gusto niyang ipakita rito kung gaano siya ka-concerned. Isa pa, magandang pagkakataon iyon para mas mapalapit siya rito. Kaya naman bago pa tuluyang sumikat ang araw, nasa kusina na siya. Suot ang maluwag na pambahay na damit bilang si Gabby, abala siyang naghahanda ng macaroni soup. Habang hinahalo ang niluluto, hindi niya mapigilang mapangiti. “Hmm-hmm-hmm...” Pakanta-kanta pa siya habang tinitingnan ang kumukulong sabaw. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Sa wakas, maaalagaan na rin niya si Rhys. Makakausap niya ito, makakasama at higit sa lahat, magkakaroon siya ng dahilan para palaging nasa paligid nito. From now on, Rhys... you will be mine. Napapikit siya sandali. At dahil gusto niyang siguraduhing hindi masasayang ang effort niya, muli niyang inusal sa isip ang isang love spell na buong gabi niyang sinearch s
続きを読む