"Hey, what are you doing?"Napahinto si Sean sa ginagawa at nilingon ang nagsalita. Bagong gising pa lang si Zander. Habang nagsusuot ito ng T-shirt, naglalakad itong papalapit sa kitchen na nakakunot ang noo, halatang nagtataka sa nagkalat na mga sangkap, gamit, at hugasing nakatambak sa lababo."Anong ginagawa mo?" ulit nitong tanong."I'm cooking our breakfast," kaswal na sagot niya bago muling itinuon ang atensyon sa niluluto.Halos malaglag ang panga ng kaibigan."What?! You're... what?!"Napabuntong-hininga siya."I don't want to repeat it."Muling inilibot ni Zander ang tingin sa kusina. Punong-puno ng kalat ang countertop. May mga basag na egg shells, bukas na butter, harina, paminta, cooking oil, at iba't ibang kitchen utensils na tila dinaanan ng bagyo pero parang wala iyong pakialam sa kanya. Buong konsentrasyon niya ay sa binabantayang frying pan."Ano ba'ng niluluto mo?" tanong ni Zander.Tahimik na kinuha niya ang cellphone at ipinakita rito ang recipe na sinusundan mula
อ่านเพิ่มเติม