Sa Batangas, isang malaki at napakagandang mansyon ang bumungad kay Rain nang tuluyang huminto ang sasakyan. Madaling-araw na nang makarating sila roon, at halos tahimik na ang buong paligid. Pagkababa niya ng sasakyan, kaagad siyang sinalubong ni Kianna na kasama naman ang nobyo nitong si Drake. Mahigpit siyang niyakap ng kaibigan. “Best, kumusta ka na?” may pag-aalalang tanong nito. Ngumiti siya. “Okay lang ako, Best.” Nang bumaba si Sean sa sasakyan, tinanguan nito si Kianna bago siya nito tingnan. “Ako na ang magdadala ng mga gamit,” sabi nito. Hindi na ito naghintay ng sagot. Naglakad na agad ang binata papasok sa bakuran ng mansyon, bitbit ang kanilang mga gamit. Tumango lamang siya at tahimik na sinundan ng tingin ang binata. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga sinabi nito kanina habang nasa biyahe sila. Love for family. Love for friends. At higit sa lahat, sinabi nitong maaaring magbago ang isang tao dahil sa pagmamahal, pero hindi naman nangangahulug
อ่านเพิ่มเติม