"Hello, Mr. Cordova! Napatawag po kayo?" masiglang bati ni Sean habang palabas ng Gonzalvo General Hospital. Binisita niya si Vaughn, isa sa mga matalik niyang kaibigan, isang doktor at may-ari ng ospital.Pauwi na sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya ang caller ID, awtomatiko siyang napangiti. Ang tumatawag ay si Mr. Cordova, ang matandang milyonaryong minsan na niyang naging kliyente."Mr. Terible, how are you, hijo?" magiliw na tanong ng matanda.Napakabait at napakagalang nito. Noong una pa lamang silang nagkakilala, agad na niya itong nakagaanan ng loob."I'm fine, sir!" masigla niyang sagot. "Tawagin ninyo na lang po ako sa pangalan ko." natatawa pa niyang sabi. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng matanda sa kabilang linya."Okay. Anyway, I called you because there's something I want you to work on for me."Napakuyom si Sean ng kamao at lihim na napasuntok sa hangin sa sobrang tuwa. Mukhang may panibagong misyon na naman siyang haharapin.Tatlong buwan
Read more