Humahangos na sumulpot sa bukas na pintuan ng opisina si Zander. "Sean! Sean! I need your help!" Napangiwi si Sean nang makita ang desperadong anyo ng kaibigan. Halatang nagmamadali ito, tila ba may emergency na nangyari. "The man looks so desperate," naisip niya. Hindi pa man tuluyang nakakaupo si Zander sa tapat ng mesa niya ay naunahan na niya ito. "Busy ako. Hindi ko magagawa ang tulong na hinihingi mo." Hindi na siya nagulat sa pagdating nito. Kung tutuusin, suking-suki na niya si Zander bilang kliyente. At kung tama ang hinala niya, iisa na naman ang pakay nito. Napangiti lang si Zander. "Nah, alam kong hindi mo ako matitiis, my friend." Pagkatapos ay may inilapag itong litrato ng isang napakagandang babae sa ibabaw ng mesa niya. "Kailangan kong malaman ang background ng babaeng ito." Napapikit si Sean habang marahang napabuntong-hininga. Of course. What else? "That's why I can't help you, Zander," kaswal niyang sagot habang komportableng sumasandal sa swivel chair.
อ่านเพิ่มเติม