Magdadalawang linggo na rin simula nang maging all-around maid si Rain ng guwapo ngunit ubod ng sungit na si Sean Terible.Sa loob ng dalawang linggong iyon, hindi naman niya naranasan ang pagpapahirap na una niyang kinatatakutan. Sa totoo lang, mabait naman ang binata - iyon nga lang, napakaselan nito pagdating sa mga gamit at ayaw na ayaw nitong pinakikialaman ang mga importanteng bagay nito.At habang tumatagal, unti-unti na rin niyang nasasanay ang sarili sa malamig na pananalita at kasungitan nito. Kasabay niyon ay unti-unti rin niyang nakikilala ang tunay na pagkatao ng binata. Isa itong taong matatag, seryoso, at tila imposibleng matinag ngunit gaya ng lahat ng tao... May mga kahinaan din pala itong pilit na itinatago. Katulad na lamang nang gabing iyon. Hindi na naman makatulog si Rain. Muli na naman siyang inaatake ng insomnia. Napabuntong-hininga siya habang bumabangon mula sa mahabang sofa na dati-rati'y ikinasasama pa ng loob niyang higaan, ngunit habang tumatagal ay tila
อ่านเพิ่มเติม