MIKYLA POV “NASAAN KA NGAYON? Susunduin ka namin.” maya-maya'y muling tanong ni Zyra mula sa kabilang linya. Bakas ang matinding pag-aalala sa kanyang boses. Muling pumatak ang aking mga luha. “Hindi ko alam…” mahina kong sagot. “A-ano? Paanong hindi mo alam?” naguguluhan niyang tanong. “Hindi ko talaga alam. Hindi sinabi ni Arif kung nasaan kami. Ang alam ko lang, napakalayo ng lugar na ito sa kabihasnan, at wala akong ideya kung paano ako makakaalis dito,” nanginginig kong paliwanag. “Ano ba, Mikyla? Bakit ka kasi sumama sa kanya?” tanong ni Zyra. May bahagyang paninisi sa kanyang tono, ngunit higit sa lahat ay ramdam ko ang labis niyang pag-aalala. “I’m sorry, Zyra. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiusap, tulungan mo akong makaalis dito.”wika ko sa kabila ng aking paghikbi. “Okay... sige. Kapatid kita. Alam mong hindi kita matitiis. Gagawa ako ng paraan para ma-locate kung nasaan ka.” seryoso niyang sagot sa akin. Lalo akong napahagulhol ng iyak nang marinig ko
続きを読む