MIKYLA POV"Kids, careful!" saway ko sa triplets habang naglalakad kami sa loob ng airport.Mabuti na lang at kasama ko si Mama Amor sa biyahe. Simula nang mapadpad ako rito sa Korea, ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalabas ako ng bansa kasama ang mga bata at sasakay sila ng eroplano. Kaya alam kong magiging challenging ang biyahe naming ito."Mabuti na lang at nandiyan si Raven," sabi ni Mama Amor.Napatingin ako sa unahan namin at nakita ko si Raven na mahigpit na hawak ang mga kamay nina Oceana at Skyler.Si Blaze naman ay behave lang. Kahit hindi ko ito hawakan, hindi ako gaanong kinakabahan. Hindi tulad nina Oceana at Skyler na parang mga kiti-kiti, palibhasa'y mga batang sobrang curious sa lahat ng nakikita sa paligid."Opo, mabuti na lang po at nandiyan si Raven," sagot ko.Malaki talaga ang naitulong niya sa amin, lalo na sa pag-aasikaso sa triplets. Pero alam kong hanggang dito lanf maitulong niya. Hanggang immigration lang kasi siya maaaring sumama.Bago makalagpas sa
Ler mais