Se connecterMIKYLA POV "TITA." mahina kong tawag sa Mommy ni Arif. Kanina pa siya umiiyak kaya pasimple siyang hinila ni Arif dito sa may gazebo para daw makapag-usap kami ng maayos. At pagkatapos kaming madala ni Arif dito sa gazebo, muli siyang bumalik sa loob kasama ang triplets. Masyado kasing emotional si Tita Femmy at hahayaan daw nyang makapag -usap muna na kaming dalawa lang. At ayos lang naman sa akin. Lalo na at sa nasabi ko na, hindi naman talaga maiiwasan ang ganitong bagay "Pasensya ka na sa akin, Iha. Hindi ko talaga kasi ito inaasahan eh. Ewan ko ba, napakababaw ng luha ko simula noong nawala si Daddy. At kanina, mas lalo akong naiyak sa isipin na may mga apo pala talaga ako." wika ni Tita Femmy sa akin. Hindi naman ako nakasagot. "Ala mo, hindi ko ito inaasahan na muli tayong maghaharap dahil ang alam ko, matagal ka nang patay." muli niyang wika habang hindi ko na mabilang kung ilang beses niya nang pinupunasan ang luha mula sa kanyang mga mata "Pasensya ka na, Mikyla
MIKYLA POV Hindi na namin pinapasok ng School ang mga bata ngayong araw. Tinawagan na lang ni Arif ang teacher ng mga ito at sinabi ang dahilan kung bakit hindi muna papasok ang triplets. At pumayag naman kaagad lalo na nang malaman ang dahilan ng pagliban ng mga bata sa School "Are you okay? Kung ayaw mo, ayos lang." wika ni Arif sa akin. Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan at kasalukuyang bumabiyahe na patungo sa mansion ni Lolo Fulgencio At aaminin ko sa sarili ko na kinakabahan ako. Although, kasama din naman si Mama Amor pero, hindi pa rin sapat iyon para kumalma itong nararamdaman ko Matapang lang ako tingnan sa panlabas pero sa kaloob-looban ng puso ko, unti-unti na akong kinakain ng takot. "I'm okay! Mamaya sa mansion, huwag mo akong iwan ha?" pabulong kong sagot sa kanya "Why?" tanong niya naman sa akin "Kasi, hindi na ako sanay na makaharap ang mga kamag-anak mo na ako lang." sagot ko din naman sa kanya kaagad. Napansin kong napapangiti na lang si Ar
MIKYLA POV PAGKAALIS ni Mama Amor, nanatili pa ako ng ilang sandali dito sa garden. Pumasok lang ako sa loob nang mapansin kong mag-umpisa nang sumikat ang araw sa silangan. Umakyat ako sa second floor at dumaan muna sa kwarto ng triplets. Nadatnan kong mahimbing silang natutulog sa kani-kanilang kama. Samantang si Tito Nathan, nakita kong nakahiga siya sa sahig. Pero, may sapin naman siya, isang makapal na foam at halatang kumportable naman Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kahit papaano, malaking bagay sa akin ang makitang halatang excited si Tito Nathan na makita ang mga apo niya. Ayaw kasi talaga nitong matulog sa guest room eh. Mas gusto nitong matulog dito sa kwarto ng mga bata para daw siya ang unang makita ng mga ito pagising. Kaya imbes na istorbohin ang pagtulog nila, nagpasya na akong bumalik ng kwarto namin ni Arif kung saan, nadatnan ko si Arif na mahimbing pa ring natutulog sa kama "Hmm, mukhang pagod na pagod ang lahat ah?" mahina kong bulong sa aking sarili
MIKYLA POV ABALA ako sa paghahalo ng tatlong tasang kape nang maramdaman ko ang biglang pagyakap ng kung sino mula sa likuran ko. Nang ibaling ko ang aking tingin, doon ko nakita ang nakangiti at ngayon ko lang din napansin na pagod na mukha ni Arif "Hey...." malambing kong wika. "Ano iyan? Kape? Tamang tama...halos maubos na ako sa dami ng mga nangyari." mahina niyang sambit "I know, pero hindi solusyon ang kape sa pagod na katawan. I think, kailangan mo na munang magpahinga kahit saglit lang" seryoso kong sagot sa kanya "Yeah, I think, I need rest. Kahit na saglit lang." sagot niya sa akin sabay hikab. Napatitig tuloy ako sa kape na nasa harapan ko Haysst, mukhang masasayang yata eh. Ganoon pa man, kung may time naman na matulog si Arif, mas maigi. Kaysa naman sa uminom siya ng kape. Actually, akala ko talaga, aalis din sila kaagad ni Tito Nathan kaya bigla akong napatempla ng kape. Pero, mali pala ang prediction ko. "Ang DAddy mo, nasa kwarto pa rin ba ng triplets
MIKYLA POV "ARIF, nakauwi ka na?" tuwang tuwa kong bigkas. Sa totoo lang, kanina pa talaga ako nag-aalala sa kanya. Halos hindi ako makatulog at hindi din maalis sa isipan ko na baka may kung anong mangyaring masama sa kanya kaya naman, nagpasya akong tumambay na muna sa living area habang nagpapa-antok. At sakto naman dahil naringi ko ang pagbukas at pagsara ng gate kaya naman, kaagad akong napatakbo dito sa labas ng bahay. At sakto nga dahil nakita ko si Arif at kasama niya ang kanyang ama na si Nathan Fulgencio. "Hey, bakit gising ka pa?" tanong din naman niya sa akin. Nang makalapit kami sa isa't-isa, walang pagdadalawang isip na niyakap niya ako ng mahigpit "Hindi ako makatulog eh. Teka lang, bakit kasama mo ang Daddy mo?" halos pabulong kong tanong. Totoo naman kasi eh. Kasama niya ang Daddy nya na ngayon ay tahimik na nakatingin lang sa aming dalawa ni Arif. Bakas sa mukha nito ang matinding pagtataka habang nakatitig siya sa akin na para bang kinikilala niya ako At
ARIF POV TAPOS na ang gulo sa pamilya at kasalukuyang nasa custody na ng mga kapulisan si Timothy. Sila Olga at Analie naman ay kasalukuyang isinugod sa hospital sakay ng ambulansya Natawagan ko na din ang Mommy ni Analie na kanina pa nag-aalala at kasalukuyang inaabangan na nito si Analie sa hospital Habang kami naman ni Daddy, nandito na ulit kami sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami patutungo. Hinayaan ko na kasing si Daddy na ang magdecide sa mga susunod na mga hakbang na dapat naming gawin. Pakiramdam ko ng sandaling ito, may isang matalim ng tinik ang nabunot sa aking dibdib. Sa wakas, natapos din ang unos. Nahuli na ang salarin at alam kong katumbas nito ay ang muling pagbalik ng katahimikan sa buong pamilya "Arif..." narinig kong tawag ni Daddy sa akin. Kaagad akong napatingin sa kanya "Nag message sa akin ang Mommy mo, naayos na ang bangkay ng iyong Lolo sa sa mismong mansion niya siya ibuburol." seryosong wika nito Kaagad din naman akong napatango kasabay
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela s







