"Miss, alak pa dito," tawag kay Leona ng customer na halatang lasing na. Kanina pa siya nito sinisitsitan pero hindi niya pinapansin. Isa pa, hindi siya nakatoka sa mga ito at hindi niya gustong magkaroon ng gulo.Dahil kilala niya ang sarili. Hindi siya magpipigil na patulan ang lalakeng lasing. Kailangan niyang umiwas hanggang maaari.Pero hindi tumigil ang lalakeng mukhang baguhan lang sa kanilang club. Dahil mukhang wala itong alam sa rules nila doon. Mamaya na niya tanungin kung paano nakapasok ang gaya nitong balahura ang ugali. Sa ngayon, busy si Leona sa kaniyang trabaho."Hoy! Nakikinig ka ba? Customer ako a! Nagbabayad ako ng malaki sa club na ito kaya pagsilbihan mo ako!" Ngayon nga ay malakas na siyang tinawag ng lasing na lalake. "Hindi mo ba ako kilala, huh!"Lumapit sa kaniya ang isang waitress na kasama. Waitress si Leona sa isang club. Pangalawang trabaho niya sa gabing iyon."Leona, tinatawag ka," bulong ni Yasmine sa kaniya. "Gusto mo ako na lang ang pumunta?"Umili
Last Updated : 2026-06-16 Read more