Share

Kabanata 1

Author: jhowrites12
last update publish date: 2026-06-16 10:28:30

"Miss, alak pa dito," tawag kay Leona ng customer na halatang lasing na. Kanina pa siya nito sinisitsitan pero hindi niya pinapansin. Isa pa, hindi siya nakatoka sa mga ito at hindi niya gustong magkaroon ng gulo.

Dahil kilala niya ang sarili. Hindi siya magpipigil na patulan ang lalakeng lasing. Kailangan niyang umiwas hanggang maaari.

Pero hindi tumigil ang lalakeng mukhang baguhan lang sa kanilang club. Dahil mukhang wala itong alam sa rules nila doon. Mamaya na niya tanungin kung paano nakapasok ang gaya nitong balahura ang ugali. Sa ngayon, busy si Leona sa kaniyang trabaho.

"Hoy! Nakikinig ka ba? Customer ako a! Nagbabayad ako ng malaki sa club na ito kaya pagsilbihan mo ako!" Ngayon nga ay malakas na siyang tinawag ng lasing na lalake. "Hindi mo ba ako kilala, huh!"

Lumapit sa kaniya ang isang waitress na kasama. Waitress si Leona sa isang club. Pangalawang trabaho niya sa gabing iyon.

"Leona, tinatawag ka," bulong ni Yasmine sa kaniya. "Gusto mo ako na lang ang pumunta?"

Umiling si Leona. Kilala na niya ang likaw ng bituka ng customer na gaya ng lalake ngayon. Magwawala lamang ito at mapapahamak ang kaibigan niya kung ito ang lalapit.

"Kunin mo itong tray ko. Ako na ang bahala," sabi niya kay Yasmine. Kinuha muna niya ang isang bote ng beer na may laman. Hawak-hawak niya iyon noong lumapit siya sa lalakeng biglang napangisi.

"Anong order ninyo?" Agad na tanong niya.

Ngumisi ang lalake at tila nagmamalaking tumingin sa mga kasama. Si Leona naman ay pinagala ang tingin sa mga kasama nito. Tama siya, baguhan nga ang mga ito sa club.

"Lalapit ka rin pala, nagpakipot ka pa—aray!"

Gusto siyang akbayan ng lalake pero agad niyang pinilipit ang kamay nito. Hindi siya tinawag na Leona kung hindi siya parang Leon na palaban.

Isa pa, ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya ng kung sinong lalake.

"Walang hiya ka!" gigil na saad ng lasing na lalake. Umigkas ang kamay nito pero naunahan niya. Ang hawak na bote ay agad niyang ipinukpok sa ulo nito.

Napasigaw ang lalake sa sakit. Ang mga kasama nito sa table ay napatayo at lumayo. Tumingin siya sa mga ito. Wala man lamang makitang pagsisisi sa mga mata niya.

"Iuwi niyo na itong kasama ninyo! Bawal dito ang kagaya niya. Hindi ito club na ito-tolerate ang gaya niyang walang hiyà!" ika niya.

"Gàga ka! Ipapapulis kita! Maaalis ka pa sa club na ito! Nasaan ang manager ninyo, huh!" Kahit na duguan ang ulo ay nagawa pa nitong bantaan si Leona. Bagay na ikinatawa ni Leona. Pagkatapos ay matalim niyang tinitigan ito.

Sapo ng lalake ang kaniyang ulo. Ang dugo ay umagos na sa mukha nito.

"Matigas din bungo at mukha mo ano!" Maangas na singhal ni Leona. Hindi natakot sa banta ng lalake. "Sana pala sa mukha mo nalang ipinukpok ko ang bote!"

"Ang tapang mo ah! Waitress ka lang dito. Ako! Customer. Nagbabayad ng malaki para may pangsuweldo sa inyo!" Mayabang pang saad ng lalake.

Napangisi siya lalo. "Baguhan nga kayo dito!" aniyang tinaasan ng kilay ang lasing na lalake. Sinenyasan niya ang mga bouncer na nanonood lang sa ginawa niya.

Alam na kasi ng mga ito na kaya na niya ang sitwasyon. Kumbaga, kontrolado na niya ang lahat.

Wala din magagawa kahit ipatawag ang manager. She knows her well. Siya din lang ang kakampihan at hindi ang balahurang customer. Kilala na siya doon. Sixteen pa lamang siya ay nagtrabaho na siya sa club. Kaya kilala na siya bilang pinakamatapang na waitress doon. Mas matindi pa nga siya magparusa sa mga walang hiyang customer kaysa sa mga bouncer na naroon.

"Aalis ka dito o gusto mo pa ng isang hampas sa ulo," sabi niya. Nakita niyang padaan ang isang waiter na kasama. Kumuha siya roon ng bote ng beer at akma na namang ihahampas sa lalake.

Agad na naitaas ng lalake ang kamay bilang panangga. Napaismid siyang tinitigan ng masama ang mga kasama nito.

"Ano!" Ihahampas sana niya talaga ang bote pero...

"A-aalis na kami..." pinigilan siya ng kasama ng walang hiyang lalake. "Pre, alis na tayo," sabi nitong kinaladkad ang kasama. Sa pag-alis ng mga ito, nagsisigaw ang lalake at nagbanta.

"Humanda ka sa akin babae ka! Gaganti ako!"

Itinaas ni Leona ang kaniyang kamay at nagdirty finger sa lalake. Sanay na siya sa mga banta. So far, wala naman nangahas na gantihan talaga siya. Dahil pagkatapos naman mahimasmasan ng mga ito ay nakakalimutan na ang mga pangyayari sa club. Bumabalik pa nga ang ilan at humihingi ng dispensa.

Napapailing na lang ang mga customer na pabalik balik lang sa club dshil sa nasaksihan. Ang iba, puno pa rin ng paghanga sa kaniya. Minsan, siya na lang talaga ang binabalikan ng mga ito. They love her guts. Nakuha niya ang respeto mula sa mga ito. Nagugustuhan nga ng mga ito kung may eksenang ganoon. At siya ang laging inaabangan.

"Sayang dahil ayaw niyang makipagtable..." narinig niyang saad ng isang lalake sa katabing table ng pinaalis niya. Inirapan niya ito. Natawang napakamot naman ang lalake.

Mula sa second floor ay pumaibabaw ang palakpak.

"Sabi ko sa iyo bro, dito ka makakasaksi ng kakaiba!" saad ng isang lalakeng nakasuit ng kulay asul. Naka hawak sa guard rail. Veranda style ang second floor. Mga malalaking tao na afford lang ang naroon.

Uminom ang nakablack na suit sa kaniyang baso habang nakatunghay pa rin sa matapang na babae. Sinundan niya ito ng tingin. Mukha itong boyish. Maikli ang buhok at siga kung maglakad.

He enjoyed the show. Mas nag-enjoy siya kaysa sa sumasayaw sa entablado.

"Nga pala, bro, natanggap mo ba ang pinadala ko sa iyo?"

Sa pagkakataong iyon ay tumingin na siya sa kaibigan. Ibinaba niya ang kaniyang baso. Pinaglaruan niya ang singsing sa palasingsingan.

"Yeah!"

Tumaas ang kilay ni Jayden. "Just that?" tanong nito.

Pinaglalaruan pa rin niya ang singsing. "He wants me. Sigurado akong naghihintay siya ng oras para mapabagsak ako. I don't know why he's targeting me, but I'm not going to back down..."sabi niya.

"You knew, pero hinahayaan mo siya."

"Hindi sa hinahayaan ko. Wala pa tayong sapat na ebidensiya. He has power and money. We need solid proof to make him rot in hell," ika niya. "Make sure to—"

"Good evening, mga sir. May kailangan pa ba kayo?"

Napatigil si Nyx sa pagsasalita. Si Jayden naman ay napahilamos ng mukha. Nyx has a low patience. Ayaw na ayaw nitong nai-interrupt bigla lalo sa importanteng usapan. Lagot ang waitress. Agad siyang bumaling dito.

Nanlaki ang mga mata ni Jayden nang mapagsino ang biglang umentra.

"You!" Ika nitong tila nasurpresa.

Si Nyx naman, nakaangat na ang kilay at mabigat ang titig na sa babaeng nasa harapan.

Paano, iyong waitress na matapang kanina ang nasa harapan nila ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 4

    Nakangisi habang palapit ang isang lalakeng nasa late forties. May dalawang nakasunod na body guard dito."Mr Soliman, hindi ko alam na makikita kita dito," bati nito sabay halakhak.Nanlilisik ang mga matang bumaling si Nyx kay Mr Tolero. "Anong ibig sabihin nito?" Hindi na niya itinago ang dismayang nararamdaman. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng matandang kaibigan pa man din ng kaniyang ama."Nyx, don't get me wrong. I told you a while ago. He had a better proposal," rason nitong hindi niya pinaniwalaan."How is it better?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang taong naroon, magkakaroon ng better proposal? All he has is an illegal business. For sure, that proposal is illegal also. Kung saan man nito nakuha iyon, siguradong sa masamang paraan.Humalakhak naman si Roberto Magallanes. Ang taong dahilan kung bakit hindi niya magawang magrelax. Nyx knows Roberto is targeting him. Sa kahit anong paraan. Hindi niya lang maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng maging target nit

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 3

    "Boss, tumawag ang asawa mo. Nagtatanong kung masusundo ba daw natin siya?"Napatingin si Nyx sa kaniyang driver. "What time is she coming back?""Five pm, boss.Napatingin si Nyx sa kaniyang relo. It's two pm. May isa pa siyang importanteng meeting. "Tell her I will pick her up..." sabi niya. Kapag ganoong busy siya, ang driver at the same time ay assistant na rin niya na si Nikko ang kumukuha ng tawag para sa kaniya. Kahit pa ang mga magulang o asawa niya iyon.He wants to be focused on his work. Ayaw niyang maghalo ang trabaho sa kaniyang personal na relasyon.Jasmine was in the US for a month. Dinalaw nito ang mga magulang na doon na talaga naka-based pagkatapos nilang maikasal five months ago. Ngayon nga ang balik nito galing doon.Honeymoon stage pa lamang ang kanilang kasal dahil nga bago-bago pa sila. They should stick and stay together more. Pero inaamin niya, workaholic siya masyado. Pero naiintindihan iyon ni Jasmine. To make it up to her ay hinahayaan niya itong magtrave

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 2

    Tumaas ang kilay ni Leona nang hindi siya agad sinagot ng dalawang lalake. First time niya makita ang mga ito sa club."Marami yatang bago ngayon," sa isip ay ika niya. Mukhang yayamanin dahil sa mga suot ng mga ito. Disente din tingnan hindi katulad ng isang customer na pinatalsik niya.Nanatiling nakatingin sa kaniya ang mga ito. Ang isa ay nanatiling nakabuka ang bibig. Ang isa naman ay parang pulis kung makatitig. Mabigat. Parang inaalisa siya. Sigurado siyang napanood ng mga ito ang nangyari kanina sa baba.Tumikhim siya. "Walang kailangan? Aalis na ako," aniya."Sandali!"Pero may pumigil sa kaniya. Isang baritonong boses na tila kay lalim ng pinanggalingan. "Nyx, relax..." natataranta naman na pigil ni Jayden sa kaibigan. Medyo kabado siya dahil sa puwedeng mangyari.Nyx was suddenly interrupted, habang nagsasalita ito. Iyon ang pinakaayaw nito sa lahat. Kahit na sino, hinintay na pahintulutan nitong magsalita.Mukhang nagkamali siyang dalhin ang kaibigan doon. O wrong timi

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 1

    "Miss, alak pa dito," tawag kay Leona ng customer na halatang lasing na. Kanina pa siya nito sinisitsitan pero hindi niya pinapansin. Isa pa, hindi siya nakatoka sa mga ito at hindi niya gustong magkaroon ng gulo.Dahil kilala niya ang sarili. Hindi siya magpipigil na patulan ang lalakeng lasing. Kailangan niyang umiwas hanggang maaari.Pero hindi tumigil ang lalakeng mukhang baguhan lang sa kanilang club. Dahil mukhang wala itong alam sa rules nila doon. Mamaya na niya tanungin kung paano nakapasok ang gaya nitong balahura ang ugali. Sa ngayon, busy si Leona sa kaniyang trabaho."Hoy! Nakikinig ka ba? Customer ako a! Nagbabayad ako ng malaki sa club na ito kaya pagsilbihan mo ako!" Ngayon nga ay malakas na siyang tinawag ng lasing na lalake. "Hindi mo ba ako kilala, huh!"Lumapit sa kaniya ang isang waitress na kasama. Waitress si Leona sa isang club. Pangalawang trabaho niya sa gabing iyon."Leona, tinatawag ka," bulong ni Yasmine sa kaniya. "Gusto mo ako na lang ang pumunta?"Umili

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Prologue

    "KATAWAN KO KAPALIT NG AKING KALAYAAN!" Matapang na saad ni Leona. Nasa harapan niya ngayon ang isang lalakeng nakamaskara. Hindi niya ito kilala at lalong hindi pa nakikita kailanman. Kaya labis-labis ang pagtataka niya dahil sa ginawa nitong pagtangay sa kaniya.It was kidnapping. Hindi niya alam kung bakit kinidnap siya nito gayong hindi naman siya worth kidnapin. Inakala niyang nagkamali ito pero kahit anong pakiusap niyang pakawalan siya ay hindi nito ginawa. Sa ilang araw niyang naroon, ginawa na niya ang lahat para makatakas. Pero walang nagawa ang tapang niya. Mas matalino ang lalakeng kumidnap sa kaniya. Hindi lang ito nagsiguro, talagang tiniyak nito na hindi na siya makakatakas basta-basta.Imposible ang makatakas sa islang iyon."Kausapin mo ako! I offer you my body! Basta palayain mo na ako!" matapang niyang saad. Ilang araw na siyang naroon. Baka lubos ng nag-aalala ang kaniyang ina.Ang mababang halakhak ng lalake ay nagpatayo sa kaniyang mga buhok sa katawan. Kahit ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status