LOGINTumaas ang kilay ni Leona nang hindi siya agad sinagot ng dalawang lalake. First time niya makita ang mga ito sa club.
"Marami yatang bago ngayon," sa isip ay ika niya. Mukhang yayamanin dahil sa mga suot ng mga ito. Disente din tingnan hindi katulad ng isang customer na pinatalsik niya. Nanatiling nakatingin sa kaniya ang mga ito. Ang isa ay nanatiling nakabuka ang bibig. Ang isa naman ay parang pulis kung makatitig. Mabigat. Parang inaalisa siya. Sigurado siyang napanood ng mga ito ang nangyari kanina sa baba. Tumikhim siya. "Walang kailangan? Aalis na ako," aniya. "Sandali!" Pero may pumigil sa kaniya. Isang baritonong boses na tila kay lalim ng pinanggalingan. "Nyx, relax..." natataranta naman na pigil ni Jayden sa kaibigan. Medyo kabado siya dahil sa puwedeng mangyari. Nyx was suddenly interrupted, habang nagsasalita ito. Iyon ang pinakaayaw nito sa lahat. Kahit na sino, hinintay na pahintulutan nitong magsalita. Mukhang nagkamali siyang dalhin ang kaibigan doon. O wrong timing dahil sa nangyaring gulo. "Ako na ang bahala sa kaniya, Bro. Just relax..."pigil pa niya sa kaibigan. Gusto niyang iwasan na magkaroon ng gulo. Lalo na sa pagitan nito at ng maangas na waitress. Nakita naman nila kung gaano katapang ang babaeng nasa harapan nila. Pero hindi nagpatinag si Nyx sa kaibigan. Tumayo ito. Natataranta niyang sinundan ang kaibigan. "Nyx...hey bro!" Hindi maikakaila ang pag-aalala sa boses ni Jayden. Sa isip niya, talagang nalintikan na. Bigla itong may akmang bubunutin. Napahilamos si Jayden sa kaniyang mukha at lalong nabalisa. Nyx always carries his gun. Kinabahan siya dahil baka iyon ang gagamitin ni Nyx sa babae lalo at hindi umubra ang lasing na lalake sa babae kanina. "Ny—" "Here's a tip for you! Continue doing your job well!" Muling bumagsak ang panga ni Jayden. Si Leona naman ay napataas ang kilay. Hindi makapaniwalang napatingin si Jayden kay Nyx. Naikiling niyang ang ulo dito. Parang mas nakapagtataka ang ginawa nito kaysa sa inaasahan niyang gagawin nito kanina. What just happened? Bakit parang kalmado ngayon ang kaibigan? Nanlaki naman ang mga mata ni Leona nang makita ang iniaabot ng lalake. May limang libo siguro iyon sa tantiya niya. Malaking bagay na iyon pero... "Ibigay ninyo ang tip na iyan sa nagserve sa inyo kanina. Wala naman akong ginawa at hindi niyo kailangan ang serbisyo ko. Pero salamat," saad niya. Desperada siya sa pera at ipokrita na tinanggihan iyon. Pero hindi niya masikmurang tumanggap ng ganoong halaga na hindi naman niya pinaghirapan. Isa pa, nakiusap lang ang kaibigang si Dennis na puntahan ang mga ito dahil biglang tinawag ng kalikasan. "Tatawagin ko ang waiter—" "Wait!" Muli siyang pinigilan ng lalakeng kanina pa nakakuha ng kaniyang atensiyon. Naiinis siya sa sarili dahil sa salita nito ay napapako siya sa kinatatayuan. May kung anong magneto ang lalake. Hindi siya mabilis na nagkakagusto sa mga lalake kahit guwapo. Pero ang lalakeng nasa harap niya, kakaiba ang dating sa kaniya. Sa boses pa lang nito, parang hinihigop na ang kaniyang kaluluwa. It was like Ken of SB19 sa sobrang baba ng boses. Lalong napatitig si Leona sa lalake nang mas lumapit ito sa kaniya. He is a mesmerizing human being. Iyon bang parang nanggaling ito sa mga paborito niyang libro. Bigla nitong ipinakipkip ang tip na ibinibigay. "No need for that. My friend here will give the other waiter for another tip. This is especially for you." Naamoy ni Leona ang hininga nitong pinaghalong alak at peppermint. Ang hangin sa hininga nito ay pumaypay sa kaniyang balat. Malapit na malapit ito sa kaniya pero hindi siya naasiwa gaya sa iba. Kapag may customer na gumawa niyon sa kaniya ay umaatras na siya at nakadefensive mode agad. Pero sa lalakeng ito, wala siyang ginawa. Parang hawak siya nito dahil hindi man lamang siya makapag-isip at makapag-react na gaya ng dati. "S-salamat," usal niyang hindi tinatanggal ang titig sa lalake. Ayaw man niya pero tila may nagtutulak sa kaniyang ikabisado ang bawat anggulo ng mukha nito. Bawat kilos ay hindi niya pinalagpas. Seryoso ito. Hindi ngumiti ngunit tumango bilang sagot sa pasasalamat niya. Napalunok siya. Sinasaway na niya ang sarili pero hindi niya talaga maalis ang pagkakatitig dito. "Jayden, give another tip. Ilagay mo na lang sa table. After that, let's go." Napakamot ng ulo niya ang tinawag na Jayden. Kumuha ng pera sa pitaka at naglagay sa mesa. Kasama na ang bayad ng mga ito. "You rob me again!" reklamo nito sa kaibigan pagkatapos. Nakamasid si Leona sa dalawa. Hindi siya halos natinag sa kinatatayuan. "Excuse me, Miss. Puwedeng dumaan?" Kung hindi lang nagsalita muli ang nagngangalang Jayden ay hindi pa siya matitinag. Humakbang siya pakaliwa para bigyan ang mga ito ng space para makadaan. Hindi niya inalis ang mga mata sa lalake. Kahit pa nakatalikod na ito. "Lumingon ka..." sigaw ng isip niya. Pero hindi ito lumingon. Itinaas lamang nito ang kamay na para bang kumakaway sa kaniya at nagpapaalam. May kumislap sa daliri nito. Napakurap pa siya dahil nasilaw siya. Naroon na rin ang nakatoka na waiter para linisan ang mesa ng mga ito. Napansin siya nito dahil sa nanatili siyang tulala sa hangin. "Leona, okay ka lang?" tanong ni Dennis. Iwinagayway pa nito ang kamay sa harapan niya. Naipinid niya ang kaniyang mga labi at nakuyom ang mga kamao. "Hindi ito ang oras para humanga, Leona!" Pagalit na ika niya sa sarili. Kinurot ang kamay para lalong matauhan. Nakagat niya ang ibabang labi niya dahil sa sakit at sa katotohanan. That guy... He is married.Nakangisi habang palapit ang isang lalakeng nasa late forties. May dalawang nakasunod na body guard dito."Mr Soliman, hindi ko alam na makikita kita dito," bati nito sabay halakhak.Nanlilisik ang mga matang bumaling si Nyx kay Mr Tolero. "Anong ibig sabihin nito?" Hindi na niya itinago ang dismayang nararamdaman. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng matandang kaibigan pa man din ng kaniyang ama."Nyx, don't get me wrong. I told you a while ago. He had a better proposal," rason nitong hindi niya pinaniwalaan."How is it better?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang taong naroon, magkakaroon ng better proposal? All he has is an illegal business. For sure, that proposal is illegal also. Kung saan man nito nakuha iyon, siguradong sa masamang paraan.Humalakhak naman si Roberto Magallanes. Ang taong dahilan kung bakit hindi niya magawang magrelax. Nyx knows Roberto is targeting him. Sa kahit anong paraan. Hindi niya lang maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng maging target nit
"Boss, tumawag ang asawa mo. Nagtatanong kung masusundo ba daw natin siya?"Napatingin si Nyx sa kaniyang driver. "What time is she coming back?""Five pm, boss.Napatingin si Nyx sa kaniyang relo. It's two pm. May isa pa siyang importanteng meeting. "Tell her I will pick her up..." sabi niya. Kapag ganoong busy siya, ang driver at the same time ay assistant na rin niya na si Nikko ang kumukuha ng tawag para sa kaniya. Kahit pa ang mga magulang o asawa niya iyon.He wants to be focused on his work. Ayaw niyang maghalo ang trabaho sa kaniyang personal na relasyon.Jasmine was in the US for a month. Dinalaw nito ang mga magulang na doon na talaga naka-based pagkatapos nilang maikasal five months ago. Ngayon nga ang balik nito galing doon.Honeymoon stage pa lamang ang kanilang kasal dahil nga bago-bago pa sila. They should stick and stay together more. Pero inaamin niya, workaholic siya masyado. Pero naiintindihan iyon ni Jasmine. To make it up to her ay hinahayaan niya itong magtrave
Tumaas ang kilay ni Leona nang hindi siya agad sinagot ng dalawang lalake. First time niya makita ang mga ito sa club."Marami yatang bago ngayon," sa isip ay ika niya. Mukhang yayamanin dahil sa mga suot ng mga ito. Disente din tingnan hindi katulad ng isang customer na pinatalsik niya.Nanatiling nakatingin sa kaniya ang mga ito. Ang isa ay nanatiling nakabuka ang bibig. Ang isa naman ay parang pulis kung makatitig. Mabigat. Parang inaalisa siya. Sigurado siyang napanood ng mga ito ang nangyari kanina sa baba.Tumikhim siya. "Walang kailangan? Aalis na ako," aniya."Sandali!"Pero may pumigil sa kaniya. Isang baritonong boses na tila kay lalim ng pinanggalingan. "Nyx, relax..." natataranta naman na pigil ni Jayden sa kaibigan. Medyo kabado siya dahil sa puwedeng mangyari.Nyx was suddenly interrupted, habang nagsasalita ito. Iyon ang pinakaayaw nito sa lahat. Kahit na sino, hinintay na pahintulutan nitong magsalita.Mukhang nagkamali siyang dalhin ang kaibigan doon. O wrong timi
"Miss, alak pa dito," tawag kay Leona ng customer na halatang lasing na. Kanina pa siya nito sinisitsitan pero hindi niya pinapansin. Isa pa, hindi siya nakatoka sa mga ito at hindi niya gustong magkaroon ng gulo.Dahil kilala niya ang sarili. Hindi siya magpipigil na patulan ang lalakeng lasing. Kailangan niyang umiwas hanggang maaari.Pero hindi tumigil ang lalakeng mukhang baguhan lang sa kanilang club. Dahil mukhang wala itong alam sa rules nila doon. Mamaya na niya tanungin kung paano nakapasok ang gaya nitong balahura ang ugali. Sa ngayon, busy si Leona sa kaniyang trabaho."Hoy! Nakikinig ka ba? Customer ako a! Nagbabayad ako ng malaki sa club na ito kaya pagsilbihan mo ako!" Ngayon nga ay malakas na siyang tinawag ng lasing na lalake. "Hindi mo ba ako kilala, huh!"Lumapit sa kaniya ang isang waitress na kasama. Waitress si Leona sa isang club. Pangalawang trabaho niya sa gabing iyon."Leona, tinatawag ka," bulong ni Yasmine sa kaniya. "Gusto mo ako na lang ang pumunta?"Umili
"KATAWAN KO KAPALIT NG AKING KALAYAAN!" Matapang na saad ni Leona. Nasa harapan niya ngayon ang isang lalakeng nakamaskara. Hindi niya ito kilala at lalong hindi pa nakikita kailanman. Kaya labis-labis ang pagtataka niya dahil sa ginawa nitong pagtangay sa kaniya.It was kidnapping. Hindi niya alam kung bakit kinidnap siya nito gayong hindi naman siya worth kidnapin. Inakala niyang nagkamali ito pero kahit anong pakiusap niyang pakawalan siya ay hindi nito ginawa. Sa ilang araw niyang naroon, ginawa na niya ang lahat para makatakas. Pero walang nagawa ang tapang niya. Mas matalino ang lalakeng kumidnap sa kaniya. Hindi lang ito nagsiguro, talagang tiniyak nito na hindi na siya makakatakas basta-basta.Imposible ang makatakas sa islang iyon."Kausapin mo ako! I offer you my body! Basta palayain mo na ako!" matapang niyang saad. Ilang araw na siyang naroon. Baka lubos ng nag-aalala ang kaniyang ina.Ang mababang halakhak ng lalake ay nagpatayo sa kaniyang mga buhok sa katawan. Kahit ka







