Share

Kabanata 4

Author: jhowrites12
last update publish date: 2026-06-16 12:01:56

Nakangisi habang palapit ang isang lalakeng nasa late forties. May dalawang nakasunod na body guard dito.

"Mr Soliman, hindi ko alam na makikita kita dito," bati nito sabay halakhak.

Nanlilisik ang mga matang bumaling si Nyx kay Mr Tolero. "Anong ibig sabihin nito?" Hindi na niya itinago ang dismayang nararamdaman. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng matandang kaibigan pa man din ng kaniyang ama.

"Nyx, don't get me wrong. I told you a while ago. He had a better proposal," rason nitong hindi niya pinaniwalaan.

"How is it better?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang taong naroon, magkakaroon ng better proposal? All he has is an illegal business. For sure, that proposal is illegal also. Kung saan man nito nakuha iyon, siguradong sa masamang paraan.

Humalakhak naman si Roberto Magallanes. Ang taong dahilan kung bakit hindi niya magawang magrelax. Nyx knows Roberto is targeting him. Sa kahit anong paraan. Hindi niya lang maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng maging target nito ay siya talaga ang napusuan.

"Mr Tolero, you are a smart person. Alam mo ang pagkakaiba ng legit na negosyante at ang hindi..." ika niya kay Mr Tolero.

Tumango si Mr Tolero. Iminuwestra ang kamay para kay Roberto Magallanes. Pinapaupo ito.

Sa pag-upo ni Roberto ay siya namang marahas na pagtayo ni Nyx. Malinaw na sa kaniya na pinipili ni Mr Tolero ang kaniyang kalaban.

Wala sana siyang paalam na aalis na pero pinigilan siya ng salita ni Mr Tolero.

"Maybe you want to see his proposal before you go, Nyx. Para hindi mo sabihin na bias ako. Like I said, I go with the better proposal..."

Inilahad ni Mr Tolero ang isang laptop. Ipinakita ang proposal na galing sa kompanya ni Roberto Magallanes. To his surprise, his proposal and their proposals are much alike. May pagkakaiba lang sa budget and alternative floor plan.

Nanlilisik ang mga mata ni Nyx na biglang kunuwelyuhan si Roberto.

"You're a thief! How did you get my proposal?" akusa niya sa lalakeng hinayaan lamang siyang kuwelyuhan ito. Pinigilan pa nga nito ang mga bodyguard na sumaklolo.

"A thief? That's a big accusation, Mr Soliman! Paano ko naman nanakawin ang iyong proposal?"

Binitiwan ni Nyx si Roberto. That's the big question! How? Siya lang ang may access ng proposal na iyon. Wala ng iba pa! Kaya palaisipan kung paano nito nakuha ang ideya sa proposal na iyon..

"Nyx, huwag kang gumawa ng akusasyon na wala kang ebidensiya. Mr Magallanes's proposal is better than yours. Almost the same but money wise, I'm with his proposal..." pinal na saad ni Mr Tolero.

Natawa si Nyx. Tawang walang kasaya-saya. Dahil sa harapan ng mga ito, talo siya.

"Why are you doing this? You are targeting me!" tanong niya kay Roberto Magallanes. Noon pa man, ramdam niyang tinatarget talaga siya nito. It's now or never, for once, gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit.

Ngumisi ito sa kaniya. Inayos ang sarili.

Roberto Magallanes looks like in his thirties than his exact age. Matipuno ito at halatang alaga ang katawan. Malakas ang dating na kahit sinong babae ay magkakandarapa dito.

"You have what I want..." sagot ni Roberto. "So I'll take it from you. One by one," sabi nitong bigla siyang tinapik sa balikat.

Hindi maintindihan ni Nyx iyon. Anong meron siya na gusto nito? Ni hindi nga sila magkakilala kung hindi lamang ito parang kabute na biglang sumulpot sa mundo niya.

Walang anumang nag-uugnay sa kanila kung tutuusin.

Nyx is fair in everything he does. Sa negosyo. Sa pakikitungo sa tao. But this bastard in front of him, ginigising nito ang demonyo sa pagkatao niya.

Huminga siya ng malalim. Hindi niya ibababa ang sarili dito.

He is still playing fair. Bahala na ang batas dito.

"Enjoy your freedom..." sabi niya kay Roberto Magallanes. Hindi iyon banta. Babala iyon dahil alam niyang sa oras na iyon, kumikilos na si Jayden.

A trap for a trap!

Kung akala ni Roberto ay nagtagumpay na ito. It's him who has the last laugh!

Tumalikod siya para umalis. Sinenyasan niya si Nikko na sumunod. Sa pagsakay nila sa kotse, sigaw ni Roberto Magallanes ang kanilang narinig.

"Boom!" bulalas niyang ginawa pang baril ang sariling daliri na ipinagtaka ni Nikko.

"There's a traitor within my circle," bigla niyang saad. Tumingin si Nyx kay Nikko. "Who do you think it is, Nikko?" tanong niya.

Humigpit ang pagkakahawak ni Nikko sa manibela. Namutla ito bigla.

Magsasalita sana ito nang tumunog ang telepono. Tiningnan niya iyon.

Kahit nagmamaneho ay sinagot niya iyon.

"Nyx... help me!"

Nanlaki ang mga mata ni Nyx nang marinig ang boses ng asawa. Kaya inagaw niya ang telepono kay Nikko.

"Jas...where are you?" Kinakabahang tanong niya.

Umiiyak ang asawa niya sa kabilang linya. Nanginginig ang boses dahil sa takot.

"Nyx. Somebody is following us! Mabilis ang takbo ng kotse..." sabi nito sa nanginginig na boses.

"Stay calm, tell Ben to slow do—"

Biglang may sigaw at kalabog.

"Jas..."

Walang sumagot kaya lalo siyang kinabahan.

"Jas..."

Nang muling may magsalita ay lalong bumigat ang pakiramdam niya.

"Nyx, I love you. I want to surprise you that I am pregnant with our first baby. Pero mukhang hindi na tayo mabubuo. Hindi ko na rin masasabi sa iyo ng personal..." umiiyak nitong ika. Puno ng takot ang boses. Napapasigaw.

Sa kabilang linya, may langitngit. May malakas na kalabog kasabay ng malakas na huling sigaw ng asawa.

"Jas! Jas!" sigaw din ni Nyx. Mahigpit na hawak ang telepono habang hindi na alam ang gagawin. Galit na galit siya kasabay ng matinding pag-aalala at takot para sa asawa. Ang luha sa mga mata niya ay biglang bumuhos. "Jas...baby!" sigaw niya nang marinig ang pagsabog. Kasabay niyon ay ang pagkaputol ng tawag.

Para siyang mababaliw. Nagdilim ang paningin niya. He attacked Nikko na nasa manibela.

"Boss, wala akong kinalaman—"

Pero hindi siya nakinig. Pilit niyang inagaw ang manibela sa lalake. He needs to go where Jasmine is! He needs to find her! He needs to save her!

Sa pag-aagawan nila ni Nikko sa manibela, bigla nitong nakabig ang kotse papunta sa kabilang linya. A big truck hit them. Nagpagulong-gulong ang kotse. Parang latang nayupi iyon. He was trapped. He couldn't move. Naipit ang mga paa niya.

"Jas..." usal niya sa pangalan ng asawa. Kahit na nasa bingit na rin siya ng kamatayan, mas inaalala pa rin niya ito.

Naalala niya ang huling sinabi ni Roberto Magallanes. Kukunin nito ang ang lahat ng meron siya.

Si Jasmine. Si Jasmine na asawa niya ang tinutukoy nito na meron siya na gusto nito. Huli na para marealize niya iyon.

Huli na ang lahat.

Kasabay ng reyalisasyon na tumutupok sa pagkatao niya ay ang apoy na papunta sa sasakyan.

"Isinusumpa ko! I'll get my revenge! Sa kahit anong paraan. Babangon ako sa hukay para sa paghihiganti ko!" Aniya. Bago tuluyang lamunin ng apoy ang kotseng sinasakyan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 4

    Nakangisi habang palapit ang isang lalakeng nasa late forties. May dalawang nakasunod na body guard dito."Mr Soliman, hindi ko alam na makikita kita dito," bati nito sabay halakhak.Nanlilisik ang mga matang bumaling si Nyx kay Mr Tolero. "Anong ibig sabihin nito?" Hindi na niya itinago ang dismayang nararamdaman. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng matandang kaibigan pa man din ng kaniyang ama."Nyx, don't get me wrong. I told you a while ago. He had a better proposal," rason nitong hindi niya pinaniwalaan."How is it better?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang taong naroon, magkakaroon ng better proposal? All he has is an illegal business. For sure, that proposal is illegal also. Kung saan man nito nakuha iyon, siguradong sa masamang paraan.Humalakhak naman si Roberto Magallanes. Ang taong dahilan kung bakit hindi niya magawang magrelax. Nyx knows Roberto is targeting him. Sa kahit anong paraan. Hindi niya lang maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng maging target nit

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 3

    "Boss, tumawag ang asawa mo. Nagtatanong kung masusundo ba daw natin siya?"Napatingin si Nyx sa kaniyang driver. "What time is she coming back?""Five pm, boss.Napatingin si Nyx sa kaniyang relo. It's two pm. May isa pa siyang importanteng meeting. "Tell her I will pick her up..." sabi niya. Kapag ganoong busy siya, ang driver at the same time ay assistant na rin niya na si Nikko ang kumukuha ng tawag para sa kaniya. Kahit pa ang mga magulang o asawa niya iyon.He wants to be focused on his work. Ayaw niyang maghalo ang trabaho sa kaniyang personal na relasyon.Jasmine was in the US for a month. Dinalaw nito ang mga magulang na doon na talaga naka-based pagkatapos nilang maikasal five months ago. Ngayon nga ang balik nito galing doon.Honeymoon stage pa lamang ang kanilang kasal dahil nga bago-bago pa sila. They should stick and stay together more. Pero inaamin niya, workaholic siya masyado. Pero naiintindihan iyon ni Jasmine. To make it up to her ay hinahayaan niya itong magtrave

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 2

    Tumaas ang kilay ni Leona nang hindi siya agad sinagot ng dalawang lalake. First time niya makita ang mga ito sa club."Marami yatang bago ngayon," sa isip ay ika niya. Mukhang yayamanin dahil sa mga suot ng mga ito. Disente din tingnan hindi katulad ng isang customer na pinatalsik niya.Nanatiling nakatingin sa kaniya ang mga ito. Ang isa ay nanatiling nakabuka ang bibig. Ang isa naman ay parang pulis kung makatitig. Mabigat. Parang inaalisa siya. Sigurado siyang napanood ng mga ito ang nangyari kanina sa baba.Tumikhim siya. "Walang kailangan? Aalis na ako," aniya."Sandali!"Pero may pumigil sa kaniya. Isang baritonong boses na tila kay lalim ng pinanggalingan. "Nyx, relax..." natataranta naman na pigil ni Jayden sa kaibigan. Medyo kabado siya dahil sa puwedeng mangyari.Nyx was suddenly interrupted, habang nagsasalita ito. Iyon ang pinakaayaw nito sa lahat. Kahit na sino, hinintay na pahintulutan nitong magsalita.Mukhang nagkamali siyang dalhin ang kaibigan doon. O wrong timi

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 1

    "Miss, alak pa dito," tawag kay Leona ng customer na halatang lasing na. Kanina pa siya nito sinisitsitan pero hindi niya pinapansin. Isa pa, hindi siya nakatoka sa mga ito at hindi niya gustong magkaroon ng gulo.Dahil kilala niya ang sarili. Hindi siya magpipigil na patulan ang lalakeng lasing. Kailangan niyang umiwas hanggang maaari.Pero hindi tumigil ang lalakeng mukhang baguhan lang sa kanilang club. Dahil mukhang wala itong alam sa rules nila doon. Mamaya na niya tanungin kung paano nakapasok ang gaya nitong balahura ang ugali. Sa ngayon, busy si Leona sa kaniyang trabaho."Hoy! Nakikinig ka ba? Customer ako a! Nagbabayad ako ng malaki sa club na ito kaya pagsilbihan mo ako!" Ngayon nga ay malakas na siyang tinawag ng lasing na lalake. "Hindi mo ba ako kilala, huh!"Lumapit sa kaniya ang isang waitress na kasama. Waitress si Leona sa isang club. Pangalawang trabaho niya sa gabing iyon."Leona, tinatawag ka," bulong ni Yasmine sa kaniya. "Gusto mo ako na lang ang pumunta?"Umili

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Prologue

    "KATAWAN KO KAPALIT NG AKING KALAYAAN!" Matapang na saad ni Leona. Nasa harapan niya ngayon ang isang lalakeng nakamaskara. Hindi niya ito kilala at lalong hindi pa nakikita kailanman. Kaya labis-labis ang pagtataka niya dahil sa ginawa nitong pagtangay sa kaniya.It was kidnapping. Hindi niya alam kung bakit kinidnap siya nito gayong hindi naman siya worth kidnapin. Inakala niyang nagkamali ito pero kahit anong pakiusap niyang pakawalan siya ay hindi nito ginawa. Sa ilang araw niyang naroon, ginawa na niya ang lahat para makatakas. Pero walang nagawa ang tapang niya. Mas matalino ang lalakeng kumidnap sa kaniya. Hindi lang ito nagsiguro, talagang tiniyak nito na hindi na siya makakatakas basta-basta.Imposible ang makatakas sa islang iyon."Kausapin mo ako! I offer you my body! Basta palayain mo na ako!" matapang niyang saad. Ilang araw na siyang naroon. Baka lubos ng nag-aalala ang kaniyang ina.Ang mababang halakhak ng lalake ay nagpatayo sa kaniyang mga buhok sa katawan. Kahit ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status