Masuk"KATAWAN KO KAPALIT ANG AKING KALAYAAN!" Wala akong pera na puwedeng ibigay para palayain mo. Katawan ko lang ang kaya kong i-offer. And..." bigla siyang nahiya sa susunod na naisip. Pero iyon nalang ang kaya niyang ibigay kapalit ng paglaya. "V-virgìn ako." "Even if you are a vìrgin! I don't like to touch you! Anak ka ng pinakamaruming tao sa lipunan!" "Kung hindi ako, ano? Pera? Wala ako n' on. At sa tingin ko, hindi mo na kailangan ng pera." Nagulat siya nang bigla siya nitong hapitin sa beywang. "Anong ginagawa ng ama mo at ang marumi niyang pera. I'll make him pay! Sigurado akong babayaran niya ang pinakamamahal niyang prinsesa ng kahit anong kayamanan niya!" Hindi natakot si Leona. Siya naman ang tumawa ng malakas. Dahil doon ay kumunot ang noo ng lalake. Amused to why she was acting the way she is. "Nagkamali ka yata ng kinidnap. Kahit humingi ka pa ng singkong duling, hindi ka babayaran ng magaling kong ama! Hindi niya pag-aaksayahan ng pera ang bastardang katulad ko!" **** Nyx Kali Soliman vanished from the world after the death of his wife and unborn child. Nagtamo siya nang matinding pinsala kung saan kinailangan niya ng maraming taon para maka-recover. And when he did. Revenge is his ultimate goal. At uunahin niyang kunin ang mga taong mahalaga sa lalakeng dahilan ng pagdurusa niya ng maraming taon. Paano kung ang taong akala niya ay magpapabagsak sa kalaban ay taong magpapalambot sa matigas niyang puso? Kaya ba niyang kalimutan ang nakaraan para sa pag-ibig na umuusbong? The world is darker. Unsafe. Full of mischievous lies. Just like how Leona lied to him. She carried their child without him knowing. But faith reunited them. She is the secretary. He is the boss. And between them? A four years old baby girl.
Lihat lebih banyak"KATAWAN KO KAPALIT NG AKING KALAYAAN!" Matapang na saad ni Leona. Nasa harapan niya ngayon ang isang lalakeng nakamaskara. Hindi niya ito kilala at lalong hindi pa nakikita kailanman. Kaya labis-labis ang pagtataka niya dahil sa ginawa nitong pagtangay sa kaniya.
It was kidnapping. Hindi niya alam kung bakit kinidnap siya nito gayong hindi naman siya worth kidnapin. Inakala niyang nagkamali ito pero kahit anong pakiusap niyang pakawalan siya ay hindi nito ginawa. Sa ilang araw niyang naroon, ginawa na niya ang lahat para makatakas. Pero walang nagawa ang tapang niya. Mas matalino ang lalakeng kumidnap sa kaniya. Hindi lang ito nagsiguro, talagang tiniyak nito na hindi na siya makakatakas basta-basta. Imposible ang makatakas sa islang iyon. "Kausapin mo ako! I offer you my body! Basta palayain mo na ako!" matapang niyang saad. Ilang araw na siyang naroon. Baka lubos ng nag-aalala ang kaniyang ina. Ang mababang halakhak ng lalake ay nagpatayo sa kaniyang mga buhok sa katawan. Kahit kaliit-liitang himaymay ay hindi nakaligtas. Since the day they were there, ngayon niya lamang narinig ang boses nito. Ngayon lang talaga siya hinarap. Dahil sa pagiging makulit niya. Nakagat niya ang kaniyang labi. His laugh is somewhat scary and captivating. Kailan ba siya nakaramdam ng ganoon? Naglakbay ang alaala niya. It was years ago pa. Two years to be exact. Ang tono ng halakhak ng lalake ay nanatili sa kaniyang sistema. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Pero may iba pang dahilan na hatid sa kaniya ng simpleng halakhak na iyon ng lalake na nagtatago na naman sa dilim. "Do you think your body is worth my time?" Napalunok siya. Ang mababang boses nito ay tila galing sa loob ng lupa. He is like a midnight phantom. Mahaba ang buhok nito na kulot. Idagdag pa ang misteryoso nitong maskara sa kaliwang pisngi na minsan na niyang nasilayan nang aksidente niyang mapasok ang kuwarto nito. "Wala akong pera na puwedeng ibigay para palayain mo ako. Katawan ko lang ang kaya kong i-offer. And..." bigla siyang nahiya sa susunod na naisip. Pero iyon nalang ang kaya niyang ibigay kapalit ng paglaya. "V-virgìn ako. Ito ang pinakamahalaga at kayamanan na meron ako..." Namula siya pagkatapos sabihin iyon. Lalo at tumahimik ang lalake at matamang nakatitig ang mga mata nito sa gawi niya. Pakiramdam niya ay lalamunin nito pati kaniyang kaluluwa. Biglang lumiwanag sa gawi nito. Mula sa kadiliman ay may liwanag na agad sumilay sa mukha nito. Sa kalahating maskara na iyon, kitang kita pa rin niya ang malalim at kulay kayumanggi na kulay doon. Para itong Hari na nakaupo sa kaniyang trono. Kinabahan siya nang bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo. Maging ang paglalakad nito palapit sa kaniya ay parang isang matayog na nilalang na kailangan niyang tingalain. Pagkatapos ay kailangan luhuran. Palaban siya pero tila gusto niyang tumiklop ngayon sa lalake na kumidnap sa kaniya. Parang gusto niyang magpasakop na lang. Kung hindi lang sa kaniyang ina ay hindi niya ipipilit ang lumaya. Kinurot niya ang sarili. Nabagok ba ang ulo niya? Hindi na normal ang nararamdaman niya at iniisip. Pangatlong araw na nilang magkasama sa isang malaking bahay. Batid niyang private house iyon sa isang Isla. Kung saan iyon ay hindi niya alam dahil nagising na lamang siyang naroon na pagkatapos niyang mawalan ng malay. Hindi din siya makatakas dahil napapalibutan sila ng tubig. Walang bangka kaya batid niyang dinala sila doon ng panghipapawid na sasakyan. Napansin kasi niya ang isang helipad sa pinakatuktok ng bundok. "Even if you are a vìrgin! I don't like to touch you! Anak ka ng pinakamaruming tao sa lipunan!" She felt the wrath on his voice. Iyong matinding poot na kayang pumatay ng sinoman. "Kung hindi ako, ano? Pera? Wala ako n' on," nagsasabi lamang siya ng totoo. Tumawa muli ito sa naging sagot niya. "At sa tingin ko, hindi mo na kailangan ng pera," dagdag niya. Sigurado siyang mayaman ito. Nagulat siya nang bigla siya nitong hapitin sa beywang. "Anong ginagawa ng ama mo at ang marumi niyang pera? He needs ti save his princess, right? I'll make him pay everything he had! Sigurado akong babayaran niya ang pinakamamahal niyang prinsesa ng kahit anong kayamanan niya!" Hindi natakot si Leona. Siya naman ang tumawa ng malakas. Dahil doon ay kumunot ang noo ng lalake. Amused to why she was acting like a crazy woman. "Nagkamali ka yata ng kinidnap. Kahit humingi ka pa ng singkong duling, hindi ka babayaran ng magaling kong ama! Hindi niya pag-aaksayahan ng pera ang bastardang katulad ko!" May pait na saad niya. Ayaw na niya sanang isipin ang walang kuwènta niyang ama. "What?!" Galit na napasigaw ang lalake. Bigla siya nitong sinakal. "Don't play with me! Ayaw mong makita kung anong kaya kong gawin. I can kill you right here na walang makakaalam. Mabubura ka sa mundong ito at kahit ama mo, hindi ka kayang mahanap!!" Kahit na nasakal na ay nagawa pa ring ngumiti ni Leona. "Kahit na ilubog mo pa ako sa dagat ng buhay, my father will not pay a ransom for the sake of me! Mas mahal niya ang pera niya kaysa sa akin na anak niya! Kung gusto mong maghiganti sa kaniya, use me. Not as bait but as your weapon. Sigurado akong magtatagumpay ka! Palayain mo lang ak— arghh..." Hindi siya nakahinga dahil humigpit ang pagkakahawak nito sa leeg niya. Gigil na gigil pero halatang nagpipigil. Ang mga ugat nito sa leeg ay naglabasan. Umigting ang panga nito habang nakatunghay sa kaniya. Pilit na binabasa kung nagsasabi siya ng totoo. Bakit siya magsisinungaling? Bago siya makidnap ay galing siya sa mansiyon ng ama niya. Nagmakaawa siyang makahiram ng pera para sa kaniyang inang may sakit. Pero anong napala niya? Mura at pang-aapi. Minaliit siya dahil sa paghingi niya ng tulong. Kung hindi lang sa ina niya, hindi naman siya tatapak sa pamamahay ng ama para ibaba ang sarili. Kaya niyang buhayin ang kaniyang sarili kung siya lang. Pero nangangailangan ang ina niya ng lunas. Nang malaking halaga para madagdagan ang buhay. Hindi niya kayang i-provide iyon sa trabaho niyang secretary ng isang maliit na lawfirm at isang waitress sa isang club. Kahit hatiin pa niya ang katawan sa tatlo o limang trabaho, hindi niya kayang bayaran ang gastos sa hospital. Malaki na ang problema niya sa ina. Dumagdag pa ang lalakeng ewan niya, ginugulo ang sistema niya. Imbes na takot ang maramdaman niya para dito ay kakaibang damdamin ang pilit nagsusumiksik hindi lang sa isipan niya. Naglakas loob siyang iangat ang kamay niya. Hinaplos niya ang maskara nito sa kaliwang pisngi. Bigla siya nitong nabitiwan dahil doon. "Don't touch me!" Aniya. Matindi ang babala. Mabigat ang bawat kataga. Para siyang apoy na maaaring tumupok dito. Puno ng bagsik na kung uulitin niya, haharap siya kay kamatayan. Suminghap siya ng hangin. "Mas gugustuhin ng ama kong mamatay ako kaysa itubos sa akin ang pera niya. My offer is still valid if you want. My body for my freedom..." Umalis si Leona at nagtungo sa kuwartong inuukopa niya. Kahit na nakidnap siya, malaya naman siyang nakagagalaw doon. Kalayaang nakakulong din naman. Tumingin siya sa kaniyang pinto nang akma niya iyong isasara. "Hahayaan kong nakabukas. Nasa kaniya na kung gugustuhin niyang angkìnin ako!" Aniya. Buo na ang loob na ibigay ang sarili sa lalakeng kumidnap sa kaniya.Nakangisi habang palapit ang isang lalakeng nasa late forties. May dalawang nakasunod na body guard dito."Mr Soliman, hindi ko alam na makikita kita dito," bati nito sabay halakhak.Nanlilisik ang mga matang bumaling si Nyx kay Mr Tolero. "Anong ibig sabihin nito?" Hindi na niya itinago ang dismayang nararamdaman. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng matandang kaibigan pa man din ng kaniyang ama."Nyx, don't get me wrong. I told you a while ago. He had a better proposal," rason nitong hindi niya pinaniwalaan."How is it better?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang taong naroon, magkakaroon ng better proposal? All he has is an illegal business. For sure, that proposal is illegal also. Kung saan man nito nakuha iyon, siguradong sa masamang paraan.Humalakhak naman si Roberto Magallanes. Ang taong dahilan kung bakit hindi niya magawang magrelax. Nyx knows Roberto is targeting him. Sa kahit anong paraan. Hindi niya lang maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng maging target nit
"Boss, tumawag ang asawa mo. Nagtatanong kung masusundo ba daw natin siya?"Napatingin si Nyx sa kaniyang driver. "What time is she coming back?""Five pm, boss.Napatingin si Nyx sa kaniyang relo. It's two pm. May isa pa siyang importanteng meeting. "Tell her I will pick her up..." sabi niya. Kapag ganoong busy siya, ang driver at the same time ay assistant na rin niya na si Nikko ang kumukuha ng tawag para sa kaniya. Kahit pa ang mga magulang o asawa niya iyon.He wants to be focused on his work. Ayaw niyang maghalo ang trabaho sa kaniyang personal na relasyon.Jasmine was in the US for a month. Dinalaw nito ang mga magulang na doon na talaga naka-based pagkatapos nilang maikasal five months ago. Ngayon nga ang balik nito galing doon.Honeymoon stage pa lamang ang kanilang kasal dahil nga bago-bago pa sila. They should stick and stay together more. Pero inaamin niya, workaholic siya masyado. Pero naiintindihan iyon ni Jasmine. To make it up to her ay hinahayaan niya itong magtrave
Tumaas ang kilay ni Leona nang hindi siya agad sinagot ng dalawang lalake. First time niya makita ang mga ito sa club."Marami yatang bago ngayon," sa isip ay ika niya. Mukhang yayamanin dahil sa mga suot ng mga ito. Disente din tingnan hindi katulad ng isang customer na pinatalsik niya.Nanatiling nakatingin sa kaniya ang mga ito. Ang isa ay nanatiling nakabuka ang bibig. Ang isa naman ay parang pulis kung makatitig. Mabigat. Parang inaalisa siya. Sigurado siyang napanood ng mga ito ang nangyari kanina sa baba.Tumikhim siya. "Walang kailangan? Aalis na ako," aniya."Sandali!"Pero may pumigil sa kaniya. Isang baritonong boses na tila kay lalim ng pinanggalingan. "Nyx, relax..." natataranta naman na pigil ni Jayden sa kaibigan. Medyo kabado siya dahil sa puwedeng mangyari.Nyx was suddenly interrupted, habang nagsasalita ito. Iyon ang pinakaayaw nito sa lahat. Kahit na sino, hinintay na pahintulutan nitong magsalita.Mukhang nagkamali siyang dalhin ang kaibigan doon. O wrong timi
"Miss, alak pa dito," tawag kay Leona ng customer na halatang lasing na. Kanina pa siya nito sinisitsitan pero hindi niya pinapansin. Isa pa, hindi siya nakatoka sa mga ito at hindi niya gustong magkaroon ng gulo.Dahil kilala niya ang sarili. Hindi siya magpipigil na patulan ang lalakeng lasing. Kailangan niyang umiwas hanggang maaari.Pero hindi tumigil ang lalakeng mukhang baguhan lang sa kanilang club. Dahil mukhang wala itong alam sa rules nila doon. Mamaya na niya tanungin kung paano nakapasok ang gaya nitong balahura ang ugali. Sa ngayon, busy si Leona sa kaniyang trabaho."Hoy! Nakikinig ka ba? Customer ako a! Nagbabayad ako ng malaki sa club na ito kaya pagsilbihan mo ako!" Ngayon nga ay malakas na siyang tinawag ng lasing na lalake. "Hindi mo ba ako kilala, huh!"Lumapit sa kaniya ang isang waitress na kasama. Waitress si Leona sa isang club. Pangalawang trabaho niya sa gabing iyon."Leona, tinatawag ka," bulong ni Yasmine sa kaniya. "Gusto mo ako na lang ang pumunta?"Umili






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.