Share

Chapter 5

Author: jhowrites12
last update publish date: 2026-07-23 23:47:21

Two years later

"Leona!" Tiling nanggaling sa kaibigan niyang si Alfina. "Long time no see?!"

Pinaikot ni Leona ang bola ng kaniyang mga mata. Lalo siyang nagpakita ng kunwaring pagkairita nang yakapin siya nito at humilig sa kaniyang balikat ang kaibigan.

"I miss you, friend," ayon pa dito na para bang taon kung hindi sila nagkita. Na kung tutuusin ay apat na araw lamang naman dahil may company building ito sa kompanyang pinagtatrabahuan.

"Alfina, lumayo-layo ka nga sa akin. Pinagtitinginan na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Chapter 5

    Two years later"Leona!" Tiling nanggaling sa kaibigan niyang si Alfina. "Long time no see?!"Pinaikot ni Leona ang bola ng kaniyang mga mata. Lalo siyang nagpakita ng kunwaring pagkairita nang yakapin siya nito at humilig sa kaniyang balikat ang kaibigan."I miss you, friend," ayon pa dito na para bang taon kung hindi sila nagkita. Na kung tutuusin ay apat na araw lamang naman dahil may company building ito sa kompanyang pinagtatrabahuan."Alfina, lumayo-layo ka nga sa akin. Pinagtitinginan na tayo ng mga customer at mga kasama ko!" Saway niya dito. Iba pa naman ang nasa isipan ng mga ito lalo at sa ilang taon niya sa club, walang lalake siyang nagustuhan kahit pa sabihin na marami ang nagkakandarapa sa kaniyang atensiyon.Natawa si Alfina at lumayo nga sa kaniya. Pero bigla itong dumukwang at ninakawan siya ng halik sa pisngi."Sige Love, sa mesa lang ako na iyon. I'll wait for you until your shift is done..." sabi pa nito sabay kindat. Bigla itong tumakbo nang akma niyang sasabun

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 4

    Nakangisi habang palapit ang isang lalakeng nasa late forties. May dalawang nakasunod na body guard dito."Mr Soliman, hindi ko alam na makikita kita dito," bati nito sabay halakhak.Nanlilisik ang mga matang bumaling si Nyx kay Mr Tolero. "Anong ibig sabihin nito?" Hindi na niya itinago ang dismayang nararamdaman. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng matandang kaibigan pa man din ng kaniyang ama."Nyx, don't get me wrong. I told you a while ago. He had a better proposal," rason nitong hindi niya pinaniwalaan."How is it better?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang taong naroon, magkakaroon ng better proposal? All he has is an illegal business. For sure, that proposal is illegal also. Kung saan man nito nakuha iyon, siguradong sa masamang paraan.Humalakhak naman si Roberto Magallanes. Ang taong dahilan kung bakit hindi niya magawang magrelax. Nyx knows Roberto is targeting him. Sa kahit anong paraan. Hindi niya lang maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng maging target nit

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 3

    "Boss, tumawag ang asawa mo. Nagtatanong kung masusundo ba daw natin siya?"Napatingin si Nyx sa kaniyang driver. "What time is she coming back?""Five pm, boss.Napatingin si Nyx sa kaniyang relo. It's two pm. May isa pa siyang importanteng meeting. "Tell her I will pick her up..." sabi niya. Kapag ganoong busy siya, ang driver at the same time ay assistant na rin niya na si Nikko ang kumukuha ng tawag para sa kaniya. Kahit pa ang mga magulang o asawa niya iyon.He wants to be focused on his work. Ayaw niyang maghalo ang trabaho sa kaniyang personal na relasyon.Jasmine was in the US for a month. Dinalaw nito ang mga magulang na doon na talaga naka-based pagkatapos nilang maikasal five months ago. Ngayon nga ang balik nito galing doon.Honeymoon stage pa lamang ang kanilang kasal dahil nga bago-bago pa sila. They should stick and stay together more. Pero inaamin niya, workaholic siya masyado. Pero naiintindihan iyon ni Jasmine. To make it up to her ay hinahayaan niya itong magtrave

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 2

    Tumaas ang kilay ni Leona nang hindi siya agad sinagot ng dalawang lalake. First time niya makita ang mga ito sa club."Marami yatang bago ngayon," sa isip ay ika niya. Mukhang yayamanin dahil sa mga suot ng mga ito. Disente din tingnan hindi katulad ng isang customer na pinatalsik niya.Nanatiling nakatingin sa kaniya ang mga ito. Ang isa ay nanatiling nakabuka ang bibig. Ang isa naman ay parang pulis kung makatitig. Mabigat. Parang inaalisa siya. Sigurado siyang napanood ng mga ito ang nangyari kanina sa baba.Tumikhim siya. "Walang kailangan? Aalis na ako," aniya."Sandali!"Pero may pumigil sa kaniya. Isang baritonong boses na tila kay lalim ng pinanggalingan. "Nyx, relax..." natataranta naman na pigil ni Jayden sa kaibigan. Medyo kabado siya dahil sa puwedeng mangyari.Nyx was suddenly interrupted, habang nagsasalita ito. Iyon ang pinakaayaw nito sa lahat. Kahit na sino, hinintay na pahintulutan nitong magsalita.Mukhang nagkamali siyang dalhin ang kaibigan doon. O wrong timi

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Kabanata 1

    "Miss, alak pa dito," tawag kay Leona ng customer na halatang lasing na. Kanina pa siya nito sinisitsitan pero hindi niya pinapansin. Isa pa, hindi siya nakatoka sa mga ito at hindi niya gustong magkaroon ng gulo.Dahil kilala niya ang sarili. Hindi siya magpipigil na patulan ang lalakeng lasing. Kailangan niyang umiwas hanggang maaari.Pero hindi tumigil ang lalakeng mukhang baguhan lang sa kanilang club. Dahil mukhang wala itong alam sa rules nila doon. Mamaya na niya tanungin kung paano nakapasok ang gaya nitong balahura ang ugali. Sa ngayon, busy si Leona sa kaniyang trabaho."Hoy! Nakikinig ka ba? Customer ako a! Nagbabayad ako ng malaki sa club na ito kaya pagsilbihan mo ako!" Ngayon nga ay malakas na siyang tinawag ng lasing na lalake. "Hindi mo ba ako kilala, huh!"Lumapit sa kaniya ang isang waitress na kasama. Waitress si Leona sa isang club. Pangalawang trabaho niya sa gabing iyon."Leona, tinatawag ka," bulong ni Yasmine sa kaniya. "Gusto mo ako na lang ang pumunta?"Umili

  • The Masked Billionaire Is My Daddy   Prologue

    "KATAWAN KO KAPALIT NG AKING KALAYAAN!" Matapang na saad ni Leona. Nasa harapan niya ngayon ang isang lalakeng nakamaskara. Hindi niya ito kilala at lalong hindi pa nakikita kailanman. Kaya labis-labis ang pagtataka niya dahil sa ginawa nitong pagtangay sa kaniya.It was kidnapping. Hindi niya alam kung bakit kinidnap siya nito gayong hindi naman siya worth kidnapin. Inakala niyang nagkamali ito pero kahit anong pakiusap niyang pakawalan siya ay hindi nito ginawa. Sa ilang araw niyang naroon, ginawa na niya ang lahat para makatakas. Pero walang nagawa ang tapang niya. Mas matalino ang lalakeng kumidnap sa kaniya. Hindi lang ito nagsiguro, talagang tiniyak nito na hindi na siya makakatakas basta-basta.Imposible ang makatakas sa islang iyon."Kausapin mo ako! I offer you my body! Basta palayain mo na ako!" matapang niyang saad. Ilang araw na siyang naroon. Baka lubos ng nag-aalala ang kaniyang ina.Ang mababang halakhak ng lalake ay nagpatayo sa kaniyang mga buhok sa katawan. Kahit ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status