Nabasag ang katahimikan ng Penthouse B sa mga hagulgol ni Edison. Ang lalaking kilala bilang walang awa at malamig na pinuno ng kaniyang kumpanya ay nakaluhod ngayon sa malamig na sahig, nakayuko, at hindi mapigilan ang pagbuhos ng mga luha. Ang mga salita ni Arah ay parang kulog na paulit-ulit na umuugong sa kaniyang isipan: Buntis ako noong umalis ako sa bahay mo... nakikipaglaban para sa buhay ng pangalawang anak natin! "No... Arah, pakiusap..." nanginginig ang boses ni Edison habang pilit niyang iniaangat ang kaniyang mukha upang tingnan ang asawa. Ang kaniyang mga mata ay puno ng panlalabo dahil sa luha. "Sabihin mo sa aking hindi totoo 'yan... Pakiusap, Arah, sabihin mong ligtas ang baby natin..." Nanatiling nakatayo si Arah, ngunit ang kaniyang buong katawan ay nanginginig sa matinding emosyon at kahinaan. Tinitigan niya si Edison nang may halong galit, pait, at malalim na pagdadalamhati. Walang bahid ng awat ang kaniyang mga mata. "Wala na siya, Edison," malamig ngunit b
Read more