Chloe’s POVNaging parang isang marangyang kulungan ang penthouse ni Leo habang lumilipas ang mga oras. Kahit pa sabihin niyang ligtas ako rito, hindi ko magawang pakalmahin ang nanginginig kong sistema. Pagkaalis na pagkaalis ni Leo patungo sa kanyang study room kaninang madaling araw ay hindi na ako dinalaw ng antok.Nakaupo ako sa malambot na sofa sa sala, nakatitig sa kawalan. Hawak ko ang isang tasa ng mainit na tsaa na hinanda ng isa sa mga kasambahay, ngunit hinayaan ko lang itong lumamig. Huminga ako ng malalim. Walang sanggol. Walang inosenteng buhay na madadamay sa gulo ng mga Villafuerte. Dapat ay gumaan ang loob ko, ngunit bakit tila mas lalo akong binalot ng takot?Walang bata, Chloe. Ibig sabihin, wala kayong koneksyon ni Leo maliban sa isang kontratang binuwag na niya.Narinig ko ang mahinang pagpindot ng security code sa pinto. Agad akong napatayo, inaasahang si Leo ang papasok. Ngunit laking gulat ko nang bumukas ito at iniluwal ang isang pamilyar na mukha na hindi
Read more