Third Person POV Ilang araw na ang lumipas mula nang makalabas si Leo sa ospital. Sa payo ng kanyang mga doktor at sa pilit na paggabay ni Marcus, napagdesisyunan niyang isama si Chloe sa marangyang penthouse niya sa Maynila. Ang dahilan? Umaasa silang baka may maibalik na alaala ang mga pamilyar na lugar at bagay sa paligid niya. Ang penthouse na iyon ang naging saksi sa lahat—sa kanilang kasunduan, sa unti-unting pagkahulog ng loob, at sa pagmamahalang nauwi sa mapanganib na obsession. Pero ngayon, ang tahanang dating puno ng init at lambing ay naging malamig na entablado ng pagpapanggap. Para kay Chloe, bawat araw doon ay parang dahan-dahang pagdurog sa puso niya. Kasama niya sa iisang bubong ang lalaking pinakamamahal niya, pero ang mga matang nakatingin sa kanya ay wala nang bakas ng pagmamahal. Nasa tabi niya si Leo… pero parang napakalayo nito. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo pa ako dinala rito, Chloe,” malamig na sabi ni Leo habang nakatayo sa harap ng malaking s
Read more