"Ah, ganoon ba? O sige, kainan na!" masayang wika ni Aling Trining, walang kamalay-malay sa tensyon. "Tikman mo itong sinigang, Sir Jaxon. Sariwang kalamansi ang pampaasim niyan, 'yong pinitas ni Hienry sa garden kanina.""Is that so?" malamig na sagot ni Jaxon, unti-unting bumababa ang tingin sa plato niya. "It's okay. But I usually prefer high-quality ingredients, not something just picked from a random backyard."Nabitawan ni Hienry ang kanyang kutsara sa narinig. Napakagarapal talaga ng lalaking 'to."Jaxon!" pabulong ngunit matalim kong saway, ramdam ang panginginig ng boses ko sa galit. "Ano bang problema mo?!""Pasensya na, Sir Jaxon," mahinahong singit ni Hienry, bagaman bakas ang sugat sa pride sa boses nito. "Maliit lang ang taniman namin, pero sinisiguro naming malinis at masustansya para kay Loriene.""She doesn't belong in the province, Hienry," putol ni Jaxon, mas lalong lumalim ang boses habang nakatitig sa lalaki. "Th
اقرأ المزيد