“I’m serious about this,” malamig at mariing ulit ni Jaxon, ang boses niya ay gumaralgal sa lalim. Muli niyang hinawakan nang mahigpit ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako nang diretso sa mga mata. Ang ganoong klase ng titig ay parang gustong sunugin ang lahat ng pader na pilit kong itinayo buong magdamag. Bawat hawak niya ay nag-iiwan ng nakapapapasong init sa balat ko. “J-Jaxon, pakiusap, makinig ka naman sa akin!” nanginginig kong pakiusap, pilit na iwinawagpag ang mga balikat ko mula sa kanyang mahigpit na kapit. “Hindi mo pwedeng balewalain ang lahat dahil lang sa gusto mo! May buhay ako rito, may reyalidad akong hinarap!” “Your reality is with me, Loriene. It has always been me,” bulong niya, hindi man lang natitinag sa pagpumigilas ko. “At kahit anong pilit mong takasan ako sa probinsyang ito, ibabalik at ibabalik kita sa tabi ko.” “Hindi mo ako pag-aari! Hindi mo hawak ang buhay ko!” singhal ko sa kanya, salubong na salubong ang aking mga kilay habang hinahabol ang
اقرأ المزيد