“Nasaan na ang mga batang iyon? Why does it seem like they’re nowhere?” matalim na tanong ni Salome nang tanghaling iyon. Inikot niya ang tingin sa sala, sa side garden, hanggang sa direksyon ng backyard. “Usually, paikot-ikot lang sila rito. Lalabas, babalik, tapos lalabas ulit. Pero ngayon, bakit ang tahimik?” Nagkatinginan sina Duke at Iris.“Oo nga, Mama,” maingat na sagot ni Iris. “Hindi ko na nakita si Bernice mula pagkatapos ng almusal. Baka sumama kay Caizer?”“Cai?” mahinang ulit ni Salome bago naiinis na napabuntong-hininga. “Hay, naku, iyong batang iyon. I already told him not to take the children with him wherever he goes there.” Napabuntong-hininga rin si Duke. “Ma, may idea na ba si Mommy kung nasaan si Kuya Raoul?”Umiling si Salome. “Wala pa. Kahapon din hindi siya pumasok sa office. I think I need to tell Alex to find out where he is right now.” Napalingon si Iris sa kanyang asawa. “Why? May problema ba kay Kuya Raoul?”“Wala naman,” maikling sagot ni Duke. Tum
اقرأ المزيد