“Kung nakauwi ka na, Lola, bakit hindi pa umuuwi si Papa ko?” Napalingon si Bernice sa kanyang lola, bahagyang nakatagilid ang ulo habang inosente siyang nakatingin dito, halatang nagtataka. Bahagyang ngumiti si Salome, pilit na pinananatiling kalmado ang kanyang boses.“Your Papa will be home tomorrow, apo. May inaasikaso pa siya today.”“Ano pong inaasikaso niya?” Hindi pa rin nasiyahan si Bernice sa sagot. Bahagyang nagkunot ang noo nito.“Enough, Bernice,” mabilis na singit ni Iris habang mahinahon ngunit seryosong tinitingnan ang anak. “Uuwi naman si Papa mo tomorrow. Now, finish your breakfast. Mahuhuli ka sa school.”Saglit na tinitigan ni Bernice ang kanyang ina, na para bang gusto pa itong kontrahin. Ngunit kalaunan ay tumango na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos tiyaking naubos talaga ni Bernice ang laman ng plato nito, hinawakan ni Iris ang kamay ng anak at isinama ito papunta sa kuwarto. Alam niya na ngayong umaga, magkakaroon ng pag-uusap na hindi dapat
Baca selengkapnya