“Kuya Riven, Kuya Rayan, sa school ba maraming friends?” inosenteng tanong ni Rheana sa dalawa niyang kambal na kuya.“Yes,” maikling sagot ni Riven, gaya ng nakasanayan nito.“Marami talaga, baby,” sabat naman ni Rayan na halatang excited. “Tapos may playground din. May canteen where you can buy snacks.”Agad na kumislap ang mga mata ni Rheana. “May swing din, Kuya?”Mabilis na tumango si Rayan. “Meron. May slide din. Basta, ang dami.”“Wow...” Napakalaki ng ngiti ni Rheana. “I can’t wait to go to school.” Lumipat ang tingin niya kay Raoul na abala sa pagmamaneho, habang nakaupo naman si Jenesis sa front seat sa tabi nito. “Daddy, papasok na ba ako bukas?”Sumulyap si Raoul sa rearview mirror. “Not yet, sweetheart. Magpaparehistro muna tayo today. Usually, hindi naman agad-agad nakakapasok.”“Oh...” Bahagyang napasimangot si Rheana, pero agad siyang sinagot ni Riven. “But you can play in the playground with us.”Mabilis na napalingon si Rheana sa kuya niya. “Really, Kuya?”
اقرأ المزيد