“Akala ko ngayong araw na ulit papasok si Bernice, Mommy. Pero kanina, wala siya sa classroom,” sabi ni Rayan pagkapasok nila sa sasakyan. Agad niyang inihagis ang kanyang bag sa backseat.Nasa gitnang upuan si Jenesis. Lumingon siya sa anak at bahagyang ngumiti.“Oh... iyon pala.”Agad ding napunta kay Jenesis ang atensyon nina Rheana at Riven.“Nasa ospital ang Mama ni Bernice, anak,” malumanay na paliwanag ni Jenesis. “Kaya hindi muna siya pumasok. Inaalagaan niya ang Mama niya.”“Huh?” sabay na nanlaki ang mga mata nina Rheana at Rayan.“What happened to her Mommy?” sabay nilang tanong.Si Riven naman, na pinakatahimik sa kanilang tatlo, ay bahagyang kumunot ang noo.“Ano pong nangyari kay Tita Iris, Mom?” mas mahinahon niyang tanong.Marahang umiling si Jenesis. “Hindi pa rin alam ni Mommy nang eksakto, anak.”Agad na naging seryoso ang mukha ni Rheana.“Then let’s go there, Mom. Para malaman natin kung ano ang nangyari kay Tita Iris.”“Oo, Mom!” mabilis na dagdag ni R
Leer más