Ilang sandali pa muna siyang nag-isip-isip bago nagpasya na tawagan ang kanyang secretary na si Louis, dahil kung tama ang pagkakatanda niya, matagal na itong nagtatrabaho sa kanya. Maaaring may alam ang babae tungkol doon at tiwala siyang hindi ito magsisinungaling sa kanya. "Hello, Sir Caelum. Do you need anything?" tanong ni Louis mula sa kabilang linya. "Come to my office, Louis. I just want to ask you something." "Alright, Sir Caelum." Ilang sandali pa nga ay narinig ni Caelum na may kumatok sa pinto ng kanyang opisina at iniluwa nito si Louis. "Good afternoon, Sir Caelum," magalang na bati nito pagpasok. "Please sit down, Louis," utos niya sa secretary. Mabilis naman itong sumunod at naupo sa tapat niya. Tumikhim muna siya para alisin ang bikig sa lalamunan saka mataman itong pinagmasdan. "I know I can trust you, Louis, so I just wanted to ask you something..." panimula niya. "What is it, Sir Caelum?" clueless namang tanong nito. "What happened to me two years ago? Was
Read more