AFTER ONE YEAR... Masaya ang lahat sa engrandeng beach wedding nina Caelum at Kaia na ginanap mismo sa Paradise Cove sa El Nido. Naroon ang lahat ng kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, at malalapit na kamag-anak. "Congratulations, bruh! I can't imagine na boss ka na namin ngayon!" natatawang biro ni Maggie kay Kaia ng mga sandaling iyon. Sa banquet hall ng resort ginanap ang reception ng wedding at naroon ang halos lahat ng empleyado ng hotel, mga kilalang businessman, at mga sikat na personalidad. Ngumuso si Kaia nang marinig ang birong iyon ng kaibigan. "Tumigil ka nga, bruh. Baka may makarinig sa'yo. Nakakahiya..." saway niya sa bruhang kaibigan. "Oy, bakit? Trulalu naman, huh? Gusto mo pang maging receptionist kahit asawa mo na ang boss natin?" taas-kilay namang tanong ni Tristan bagaman nagbibiro. "Oo nga naman, Kaia," sabat naman ng best friend niyang si Stella. "Ang mga anak mo ang future heirs ng C&C Corporation kaya sanayin mo na ang sarili mong tawaging 'Madam'!"
Ler mais