LUMIPAS ang halos tatlumpung minuto matapos ang coffee break nina Maggie, Kaia, at Tristan.Nagbalik na rin ang bawat isa sa kani-kanilang responsibilidad.Tahimik na muling nilibot ni Maggie ang lobby ng Paradise Cove. Bilang Guest Experience Manager, ugali na niyang mag-inspection bago sumapit ang dinner service. Sinisiguro niyang maayos ang reception, malinis ang lounge, at kumpleto ang lahat ng request ng mga bisita."Good afternoon, Ma'am Maggie," bati ng isa sa mga receptionist."Good afternoon. Kumusta ang arrivals?""Smooth naman po. May isa lang pong VIP guest na nag-request ng sunset yacht reservation.""I-coordinate n'yo agad sa concierge.""Yes, Ma'am."Tumango siya bago muling naglakad.Hindi pa man siya nakakalayo ay napahinto siya nang may marinig na pamilyar na boses."Excuse me."Lumingon siya.Isang matangkad na foreigner na nasa kalagitnaan ng thirties ang nakangiting nakatingin sa kanya. Nakasuot ito ng beige linen polo at shorts, habang nakasabit sa balikat ang ma
Read more