“Ito pa ang mas bongga, girl,” singit muli ni Maggy, “may isang employee rin na nabangga si Chairman Caelum habang naglalakad sa lobby. Sa sobrang lakas ng impact, nabitiwan ni Chairman Caelum ‘yong MacBook na bitbit niya at nabasag. Like, hello? Ang mahal kaya no’n! Two months salary natin ang katumbas ng presyo niyon.”“And? Pinagbayad ba ni Chairman Caelum ‘yong employee?” tanong ni Kaia sa dalawa. Pero muling umiling ang mga ito.“Nope, hindi pinagbayad ni Chairman Caelum ‘yong employee. Wala rin siyang ibinigay na memo,” ani Tristan, halatang kinikilig.Feeling niya ay nagtatlong-guhit ang linya sa kanyang noo nang marinig ang mga iyon kina Tristan at Maggy. Kung totoo nga ang ikinuwento ng mga ito, bakit siyang hindi sinasadyang magawi sa sinasabing restricted area ay binigyan nito ng memo? Napaka-unfair naman pala nito.“Alam ko na iniisip mo, girl. Ang unfair ni Chairman Caelum, ‘no?” pakli ni Maggy nang mapansin ang pananahimik niya. “Pero ga'non talaga siya, e. Sa loob ng th
Magbasa pa