Napatigil siya. “Lilith, huwag mong gawing malaking bagay ang simpleng usapan ng mga kasambahay.”Napangiti ako nang malamig. “Ah. Kung ganoon, alam mo na pala ang pinag-usapan nila.”Natahimik si Celestine. Samantalang nagkatinginan sina Sheya at Mena.“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo,” mariin niyang sagot.“Talaga? Kung ganoon, bakit alam mong simpleng usapan lamang iyon?”“Dahil lahat naman ng tao rito ay nag-uusap!”“Hindi ko ipinagbabawal ang pag-uusap. Ang ipinagbabawal ko ay ang pambabastos.”“Hindi ka ba masyadong sensitive?”Napataas ang kilay ko. “Kung ikaw ang tatawaging tira-tirahan, laspag, at desperada sa harap ng ibang tao, matutuwa ka ba?”Hindi siya sumagot.“Kung ganoon, bakit mo ipinagtatanggol ang ginawa nila?”“Dahil hindi mo sila maaaring saktan!”“Hindi ko sila sinampal dahil lamang hindi nila ako gusto. Sinampal ko sila dahil wala silang respeto.”“May process para sa mga ganitong bagay!”“Kung ganoon, mabuti at darating ka sa security office. Doon natin
Read more