“Mas mabuti,” sagot ni Celestine, bahagyang umismid. “Mas marami siyang gagalawin, mas marami siyang makakaaway. Kung may madamay man dahil sa mga hakbang niya, wala na akong pakialam. Hindi ko problema kung sino ang masaktan sa paglilinis niya.”“Hindi ba iyan ang gusto niyang gawin? Ayusin ang sistema?”“Hindi lahat ng tao ay matutuwa kapag may nagbabago—lalo na kung may mawawala sa kanila.”“May mga taong maaaring magalit sa kaniya,” dagdag ng babae. “Pero hindi ibig sabihin noon ay kakampi natin sila.”“Hindi ko kailangang magkaroon ng maraming kakampi,” malamig na tugon ni Celestine. “Kailangan ko lang ng sapat na impormasyon para malaman kung saan siya mahina. Kung may mga madadamay o masisante dahil sa gagawin natin, collateral damage lang iyon. Ang mahalaga, makuha natin ang gusto natin.”“Paano kung matuklasan niya ang mga taong nakikipag-ugnayan sa atin?”“Kung may mga tauhang matakot o madiskubre man, labas na ako doon. Kung gusto nilang sumali, panindigan nila. Wala akong
Read more