Alas singko pa lamang ng umaga nang magising ako kinabukasan.Hindi ko alam kung dahil nasanay na akong gumising nang maaga o dahil marami akong iniisip tungkol sa mga pagbabagong kailangan kong ipatupad sa buong estate. Ilang sandali akong nanatili sa kama, nakatingin sa kisame habang pinakikinggan ang mahinang paghinga ni Jared sa tabi ko.Mahimbing pa siyang natutulog. Dahan-dahan akong bumangon upang hindi siya magising. Kumuha ako ng malinis na damit at nagtungo sa banyo. Pagkatapos maligo at mag-ayos, sinilip ko siya bago lumabas ng silid.“Sleep well, husband,” bulong ko.Pagbaba ko sa hagdan, napansin kong may ilang kasambahay nang naglilinis sa sala. May mga tauhan din sa labas na abala sa kani-kanilang gawain. Tahimik ang buong mansiyon, ngunit hindi iyon nangangahulugang walang kumikilos.Nang makarating ako sa dining area, bahagyang bumagal ang aking mga hakbang. Nakahanda na ang pagkain sa mahabang hapag. May mainit na tinapay, mga prutas, itlog, bacon, kape, juice, at ib
Read more