Share

Lilith 171

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-11-15 14:20:05

“Come here, sweetheart.”

Agad akong lumapit at niyakap siya. “Papa…”

“Look at you,” nakangiting sabi niya. “Iba talaga ang ningning ng anak ko kapag opisyal nang ipinakikilala sa lahat.”

“Papa naman, parang kanina lang magkasama tayo sa bahay.”

“Iba pa rin ito,” biro niya. “Hindi ba puwedeng purihin ang sarili kong anak sa harap ng buong mundo?”

“Puwede naman po.”

“Then let me say it again. You look beautiful, and I'm very proud of you.”

Hinalikan niya ang noo ko bago marahang hinaplos ang akin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 171

    “Come here, sweetheart.”Agad akong lumapit at niyakap siya. “Papa…”“Look at you,” nakangiting sabi niya. “Iba talaga ang ningning ng anak ko kapag opisyal nang ipinakikilala sa lahat.”“Papa naman, parang kanina lang magkasama tayo sa bahay.”“Iba pa rin ito,” biro niya. “Hindi ba puwedeng purihin ang sarili kong anak sa harap ng buong mundo?”“Puwede naman po.”“Then let me say it again. You look beautiful, and I'm very proud of you.”Hinalikan niya ang noo ko bago marahang hinaplos ang aking buhok. “Sa wakas, pormal at legal nang alam ng lahat kung sino ang nag-iisang prinsesa namin. Tandaan mo, sa anumang responsibilidad na haharapin mo simula ngayong gabi, hindi ka nag-iisa. Nandito kami.”Tumango ako. “Thank you, Papa.”Sumunod na lumapit si Donna Yvaine at niyakap ako nang buong pagmamahal.“Welcome to the public eye officially, sweetheart,” nakangiti niyang sabi. “Although, para sa amin, matagal ka nang bahagi ng pamilya namin.”“Thank you, Mom.”Bahagya siyang tumawa at sumu

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 170

    Patuloy akong naglakad sa gitna ng aisle habang umaalingawngaw ang palakpakan ng mga bisita. Ramdam ko ang bawat matang nakatuon sa akin, ngunit hindi iyon naging dahilan upang mag-alinlangan ako. Sa halip, mas lalo kong itinaas ang aking ulo.Sa dulo ng entablado ay naghihintay ang aking lolo.Malawak ang kaniyang ngiti. Araw-araw man kaming nagkikita sa bahay mula nang umuwi ako, iba pa rin ang bigat at saya ng sandaling ito—ang gabing pormal at legal niya akong ipinakikilala sa lipunan at sa mundo ng negosyo bilang nag-iisang tagapagmana ng pamilya.Pagdating ko sa paanan ng entablado, iniabot niya ang kaniyang kamay.“Halika rito, apo.”Tinanggap ko ang kaniyang kamay at marahan akong umakyat. Paglapit ko sa kaniya, agad niya akong niyakap nang mahigpit.“Finally, it's official, my dear granddaughter.”Napangiti ako habang nakasandal sa kaniyang balikat. “Lolo…”“Sa wakas,” bulong niya. “Hindi na lang sa loob ng bahay natin ito alam. Ngayong gabi, maipagmamalaki ko na nang buo at

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 169

    Saglit na tumahimik ang buong ballroom.Napatingin si Lolo sa akin.At saka niya binigkas ang pangalan ko.“Lilith Estrella.”Sumabog ang malakas na palakpakan.May ilang bisitang tumayo mula sa kanilang mga upuan. Ang iba naman ay masiglang pumalakpak habang nakangiti sa direksiyon ko. May mga camera nang nakatutok sa gilid ng ballroom at narinig ko ang ilang bulungan na tila hindi makapaniwala sa kanilang narinig.Ngunit sa lahat ng ingay na iyon, may isang bagay na agad kong napansin—ang mga mata ni Mason.Nanlaki ang mga ito nang marinig niya ang pangalan ko. Napatigil siya sa paghawak sa kaniyang baso; bahagyang bumuka ang kaniyang bibig habang salit-salitan siyang tumingin sa akin at sa entablado, para bang sinusubukan niyang tiyaking tama ang kaniyang narinig.“Lilith?” halos pabulong niyang sambit.Napatingin sa kaniya si Layla. “Ano?”Hindi siya agad sumagot.“Hindi ba…” Napalunok siya. “Hindi ba si Lilith iyon?”“Anong Lilith?” tanong ni Dexie.“Si Lilith.”Napalingon sina E

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 168

    Ngunit ang una kong hinanap ay si Vera.Napalingon ako sa kaniya. Nakaupo siya malapit sa pangunahing mesa, maayos ang likod at kalmado ang mukha. Sa kabila ng lahat ng sinabi ni Lolo, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.Paano kung magtampo siya? Paano kung isipin niyang hindi ko nakikita ang lahat ng ginawa niya para sa pamilya?Bahagya akong napalunok.Ngunit nang magtama ang aming mga mata, ngumiti siya sa akin. Pagkatapos, marahan siyang tumango. Walang kahit anong bakas ng lungkot o pagkadismaya sa kaniyang mukha. Sa halip, para bang ipinapaalala niya sa akin na hindi ko kailangang matakot.Nakahinga ako nang maluwag.“Ang pamilya ay hindi lamang tungkol sa kung sino ang may pinakamalaking pangalan o kung sino ang may pinakamalaking bahagi sa negosyo,” patuloy ni Lolo. “Ito ay tungkol sa tiwala. Tungkol sa kakayahang magdala ng responsibilidad nang hindi kinakalimutan ang mga taong umaasa sa atin.”Muli niyang inayos ang hawak na mikropono.“Alam kong may ilan sa inyo ang nag

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 167

    “Wala,” mabilis nitong sagot. “Sinasabi ko lang ang totoo.”“Baka naman naaalala mo lang si Lilith,” singit ni Dexie.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Mason. “Bakit naman siya?”“Wala lang. Dati, hindi ba, halos lahat ng gusto mo, ibinibigay niya? Kahit ilang beses mo siyang lokohin, bumabalik pa rin siya.”“Magkaiba naman iyon,” sagot ni Mason. “Hindi naman ganoon kalalim ang pinag-uusapan namin.”“Pero mahal ka niya,” ani Nyx.“Alam ko.”“Kung ganoon, bakit hindi mo na lang siya hinabol?” tanong ni Denver. “Baka kung naging maayos ka lang sa kaniya, hindi siya umalis.”Napailing si Mason. “Hindi ninyo naiintindihan. Nagbago na siya. Masyado na siyang nagiging komplikado. Hindi na siya katulad ng dati.”“Pero kung talagang mahal mo siya, hindi ba dapat pinili mo siyang intindihin?” tanong ni Eldrew.Saglit na natahimik si Mason.Napatingin si Layla sa kaniya. “Bakit ba siya pinag-uusapan? Tapos na iyon. Hindi naman natin kailangang balikan ang mga nangyari.”“Wala naman akong sinasa

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Lilith 166

    Hindi ko napigilang mapangiti habang patuloy na nag-uusap ang grupo nina Mason. Para bang hindi sila mga bisitang nasa isang pagtitipong dinaluhan ng mga kilalang negosyante at personalidad. Sa halip, abala sila sa paghusga sa isang babaeng hindi pa nga nila kilala.“Kung ako talaga ang naging boyfriend ng anak ni Donna Alessia, hindi ko sasayangin ang pagkakataon,” sabi ni Denver habang iniikot ang baso ng alak sa kamay. “Imagine, nag-iisang anak siya ng isang napakayamang pamilya. Hindi lang maganda ang buhay niya, malamang marami rin siyang koneksiyon.”“Hindi lang naman pera ang dahilan kung bakit siya magandang mapangasawa,” sagot ni Eldrew. “Kung ganoon siya kayaman, ibig sabihin, may pinag-aralan din at may kakayahang humawak ng negosyo. Ibang klase ang babaeng ganoon.”Tumawa si Dexie. “Mukhang pinag-iisipan mo na talaga, Eldrew. Hindi mo pa nakikita, gusto mo nang pakasalan.”“Bakit naman hindi?” nakangising sagot nito. “Kung may pagkakataon, bakit palalampasin?”“Paano kung

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 3

    "Excellent! Maintain that fierce look, Shan! 1, 2, 3... pose!" Ang sunod-sunod na tunog ng camera shutter at ang nakasisilaw na studio lights ang gumising sa natitira ko pang lakas. Halos tatlong oras lang ang tulog ko mula sa party kagabi sa CC9, pero kapag trabaho ang usapan, bawal ang mukhang pu

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 2

    "Girl, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan pagkatapos mong mag-washroom," untag sa akin ni Alodia habang isinasabit ang kaniyang designer bag sa balikat. Medyo humuhupa na ang ingay sa CC9 dahil madaling-araw na rin. "I'm fine. Napagod lang siguro sa ingay," pagsisinungaling ko. Ayokong sab

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 1

    Masyadong maingay, masyadong mausok, at masyadong... mapagpanggap. Iyan ang unang pumasok sa isip ni Shanaia habang nakasandal sa leather couch ng CC9. The high-end bar owned by the elusive billionaire Rhamesis Wilton he was the epitome of Manila’s elite nightlife. Glass chandeliers hung like f

  • Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo   Chapter 5

    Ang akala ko, kapag sinabing "courtship" o panliligaw, 'yung tipong text-text lang muna, sundo kapag may time, o kaya naman ay dinner tuwing weekend. Pero iba si Jeriel Ford Severin. Ang definition niya yata ng panliligaw ay ang maging anino ko. Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status